"Fine." Napangiti naman ako kahit na halos mag dikit ang kilay niya dahil halata naman na labag pa rin sa loob niya. "Good luck to your come back game. I wish I could watch your game kung sana kasi di ako nag kasakit at naging OA yung asawa ko."

"Sapat yung good luck mo sa akin. It would be better if I'm going home later na okay ka na." I said in a gentle tone.

"Opo, mag papagaling na po ako Daddy." She is obviously mocking at me.

"Halika na, Mommy. Let's go back to you room para makapag pahinga ka na." I pulled her hands pero she pulled me back.

"Binuhat mo ako papunta dito so buhatin mo ako pabalik." She pulled my back and put her legs around my hips. "Dali na!"

I carried her hanggang sa makarating kami sa kwarto. I laid her down to the bed but before I could stand up, she pulled me next to her. So here I am lying beside here.

I stared at her brown orbs. Her eyes travel around my face and it seems like she is memorizing every detail.

"It's just 5:30 am. Can we sleep a little more?" She said in a gentle voice. Her eyes were closed while her hand is on the top of my chest.

I pulled her for an embrace just like what I am always doing when she is already asleep.

"Please, come home without any injury or else..." She whispered. Akala ko tulog na siya pero nagawa pang mag banta. I kissed the top of her head.

"Yes, mommy. Mag iingat po ako."

---

Maiinit ang ulo ko. Like super init. Naiirita ako sa mga nang yayari at lalo na sa nakita ko. Ngayong araw ang photo shoot at interview ni Thomas. Guess what I saw earlier... Well, wala wala akong nakita!

"Gurl, baka gusto mo ng tissue yung sipon mo mukhang mahuhulog na sa sobrang selos." Sabi ni Camille. Hinila ko siya today.

"Tse!" Kinuha ko yung tissue saka suminghot. Medyo okay na ako. No more fever pero I still have cough and colds.

"Kaloka si atey! Tagal na silang break pero kung makipag beso beso kay Thomas kala mo mag on pa." I just rolled my eyes.

Hindi ko alam na yung gagamitin pala naming studio ay ginamit muna ni Arra (Yes, his ex) for magazine photoshoot. Kaya nag pang abot pa yung dalawa at may konting chikahan/beso beso pang naganap.

I looked at questions na sinulat ko but it is actually prepared by Mika. It is all about his family, politics, and legacy. Na-brief ko naman siya about the interview at sinabihan ko na he can decline the question naman kung ayaw niya. I don't why pero tensed ako while Thomas looks like playing it cool. Kanina kasi para siyang bata na first day sa school. Eventually he gets along naman with my team.

Tinignan ko siya habang inaayusan ng stylist at sakto naman nakatingin siya sa akin. Di ko alam kung bakit pero inirapan ko siya. Hindi ko alam kung saan nang galing yung inis pero na iinis talaga ako today.

"Achoo!" Arghh... bakit ba kasi ayaw mawala ng sipon ko. Itinaas ko yung zipper ng jacket ko dahil nilalamig ako.

I suddenly felt my phone vibrated.

From: Mang Thomas

Sabi ko naman sa'yo, we should resched this one. You're still not okay. I brought your medicine sa bag ko.

I ignored his text. Bakit ko naman iinumin yung gamot? Edi inantok ako. Naalala ko kahapon uminom ulit ako ng gamot an hour before his game, hindi ko namalayan nakatulog ako. So ayun di ko napanood ang game winning 3 point shot according to Carol. Ang tanga lang di ba.

Whirlwind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon