"Ha? Yun ano... kapitbahay lang namin yun. Pinapasabay ako ni Mama para di ako malate." Lame excuse pero sana kagatin niya.

" Sige sabi mo eh... pero..."He showed me his smile but it didn't reach his eyes. "Treat mo na lang ako ng lunch to compensate the pain."

I was about to say yes kaso may naalala ako.

"Tigs, order ka na lang tapos ako mag babayad." I said.

"Sure ka?"

"Yes, order anything."

"Ayaw mo mag lunch out?" He pouted. Hindi na siya effective sa akin, Tigs. Sorry.

"Tinatamad ako." I reasoned out. Mahirap na baka may makakita sa amin na bansot at mag alburoto pa.

"Sige sige! Mag papadeliver na lang tayo. Sagot mo ha!" He fished out his phone but before he dials the number. "GUYS SAGOT DAW NI VICTONARA ANG LUNCH NATIN. ORDER ANYTHING DAW."

Nag sigawan naman silang lahat ng order nila. Oh gosh this is bad for my wallet and budget but it is good to see that Tigs is not having ill feelings for me.

We ate our lunch and went back to work. Mabilis natapos ang araw na ito. Si Tigs ay nasa field pa rin samantalang ako tapos na sa mga articles at naipasa ko na.

"Psst..." Sitsit ko sa katabi ko na bukod sa nag hahabol ng deadline eh mainit ang ulo.

"Ara, mamaya ka nang mang bwisit kung ayaw mong saksakin kita gamit ng baba ko." Kung anong diin niya sa pag type, ganon din kadiin ang bawat salita na sinabi niya.

"Ano ba kasing nang yari?" Paano ba naman kasi gumawa daw ba naman ng eksena ang boyfriend niya kanina sa lobby.

Tumigil naman siya sa pag type tapos kamot ulo akong hinarap.

"Siya kasi eh!" Nagulat naman ako nang biglang umiyak na parang bata. "Nakita ko siyang may kachat na blonde sa fb."

"Oh kachat lang pala eh... OA mo teh!" Biglang sabat ni Carol na nasa likod lang niya.

"Si blonde girl kasi yung kafling ni Kib nung nasa LA pa sila." Ay aba nandito pa si Kim. Himala at wala silang date ni Almond. "Nasa LA na yun teh wala nang magagawa. Iyong iyo na yun."

"Yun nga ang problema ehhhh... Umuwi ng Pilipinas. Gustong makipag kita kay Kib nabasa ko sa phone niya." Ngawa pa lalo ni Cams. Hinagod ko na lang yung likod niya.

"Yang mga lalaki na yan wala talagang maganda idudulot puro sakit lang sa ulo." Napatingin naman kaming lahat kay Carol sa hugot niya. "Kaya ako wala akong sineseryoso. Collect and catch them all tapos pakawalan mo rin pag di ka na nag eenjoy!"

Binatukan naman siya ni Kim.

"Gaga! Ang bitter mo talaga." Inirapan siya ni Kim saka humarap kay Cams. "Listen to his explanation muna bago ka mag conclude. Huwag kang gumaya sa pabebe na 'yan."

"Hoy di ako pabebe!"

"Said by someone na hinahabol habol at nag sisi na nga si kuyang prof pero tinaboy pa rin." At ayan nag umpisa na naman sila ni Kim.

Ex pala ni Carol yung humabol sa kanya nung nakaraan. Matagal na pala siya hinahanap at tadhana nga naman sa La Salle pa sila nag tagpo. Carol turned him down pero palaban si Kuyang Prof di daw titigil. Haba ng hair ni Carolina!

Hinayaan ko lang silang mag rambulan dahil nag ayos na ako ng gamit. Someone's waiting for me sa baba.

"Alis na ako. Bye!" I announced pero mukhang di naman nila ako napansin so bahala na.

Pag dating ko sa baba nakaparaada siya sa usual spot sa may gilid ng building. I knocked at the window para iunlock niya ung door at saka sumakay na ako.

Whirlwind LoveWhere stories live. Discover now