Chapter 51

13K 343 18
                                    

Kira's POV

Napa baligwas ako ng bangon at tumingin sa orasan.

Darn it! Late na ako!

Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa banyo para maligo at mag ayos.

Binilisan ko na ang kilos ko, at pagkatapos kong maligo at makapag bihis. Nag lagay lang ako ng lipstick at pagkatapos ay kinuha ang bag ko at patakbong lumabas ng kwarto.

Papalapit pa lang ako sa kusina, rinig na rinig ko na ang tawanan nila.

Pagdating ko bigla silang na tigil at tumingin sa akin.

"Good morning iha."

Hindi ko pinansin si Elizabeth. Tumakbo ako at dumiretso sa lagayan ng tinapay at nag palaman.

"Ate bakit nagmamadali ka?"

Tanong ni Usher.

"I'm late."

Sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Jasper, iba na ba ang oras niyo?"

Narinig kong tanong ni Henry kay--Jasper?!

Napa lingon naman ako kay jasper na seryosong nakatingin sa akin at mabitawan ang hawak kong tinapay.

Nandito pa si Jasper ibig sabihin hindi pa ako late. I check my watch para maka sigurado.

Tss. You idiot Kira!! Great! Nagmamadali ka sa wala!!

"Hihi si ate inaantok pa."

Napa iling na lang ako sa sinabi ni Usher.

Tss, namalikmata lang siguro ako.

"Anak, 'yan lang ang kakainin mo?"

Hindi ko pinansin si Henry.

Pagkatapos kong magpalaman, nag lagay ako ng fresh milk sa baso at umupo sa high stool ng bar counter. Naka talikod ako sa kanila, ayoko silang makita.

Na rinig kong pasimpleng umubo si Jasper.

"Kuya, I forgot to tell you. Nagkita pala kami ni ate Pamela sa mall. Tinulungan niya akong mag hanap ng pang regalo ko kaya in return, nilibre ko siya ng lunch. She's funny pala 'no. Kaya siguro na tipuhan mo."

Kahit di ko siya tignan alam kong naka ngiti ng nakaka loko si Jasper, base na din sa boses niyang nanunukso.

"Pamela?"

Tanong ni Henry.

"Yes, dad 'yung pulis na tumulong sa atin noon."

Sagot ni Jasper.

"Ah yeah I remember na sorry. Are you still dating her Marcus?"

"I stop dating her."

"Good. Hindi sa hindi ko siya gusto, mukha naman siyang mabait na bata, kaya lang isa siyang pulis. Alam mo naman kung bakit hindi ba? Ikaw din Jasper, kung maaari iwasan mo siya."

Palihim akong na tawa.

Natatakot ba siya na mahuli at malaman ang tinatago niyang baho at ng buong pamilya niya?

Mabilis kong inubos ang tinapay ko at dinala iyon sa lababo upang mahugasan.

"You're done already?"

Hindi ko pa rin pinansin si Henry.

Pagka tapos kong mahugasan ang ginamit kong plato at bago ako tuluyang maka labas narinig ko pa ang sinabi ni Elizabeth kay Henry na hayaan na lang daw muna ako.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon