Chapter 27

14.8K 414 15
                                    

Kira's POV

"Grabe ang kaba ko kay Usher kanina! Buti na lang akala niya bangungot lahat ng 'yun--ui Kira! Nakikinig ka ba?"

Kahit naka pikit ako alam kong hininto ni Saturn ang sasakyan.

"Ui!!"

He poked me.

"Hmm?"

Walang gana kong sagot.

"Hay naku! Dapat sinunod mo na lang si Henry na 'wag ng pumasok."

"I'm sleeping but I'm listening too."

Narinig kong bumuga siya ng hangin at pinaandar ulit ang kotse.

"Sa tingin mo, ano ang dahilan kung bakit gustong patayin sila Henry kagabi? Ng sarili pang organisayon na kinasasapian niya."

That question keeps running on my mind the entire night at hanggang ngayon.

Wala din akong maisip na sapat na dahilan para gawin sa kanila 'yun. Isa siya sa mga heads, why they tried to kill him?

CV, was the mark that we saw last night. It means, Carlos Veilleux ang mafia boss na matagal ko ng hinahanap at ang pumatay kay mommy.

"Hindi kaya may nagawa siya na against sa organisasyon nila?"

Ano naman ang pwede niyang magawa?

"Ano na ang plano mo? Change of plan ba?"

Tanong niya.

"Wala namang magbabago sa plano."

Sagot ko naman.

"Pero ang sabi mo sa akin kagabi, na matatagalan pa ang pag stay ko. Ibig sabihin, hindi mo muna gagawin ang misyon mo."

"Hindi ko muna gagawin, sa ngayon pero hindi ko sinabing hindi ko na gagawin. And besides, si Carlos na mismo ang lumalapit sa akin ang gagawin ko na lang ay hanapin siya. It's like hitting two birds in one stone."

Hindi siya naka sagot sa sinabi ko.

"Kung plano man nilang patayin si Henry at ang buong pamilya niya so am I--may the best killer win. I don't care kung ano ang dahilan nila para pagtangkaan sila kagabi. But i'm giving Henry a chance para tumagal ang buhay niya--babaliktarin ko ang sitwasyon sa ngayon."

Pagpapatuloy ko.

"What do you mean?"

Naguguluhang tanong niya.

"If I want to know where Carlos is, Henry is the best answer. I hate to say this but, let's keep Henry and his family safe because he will lead me to his boss."

Wala na akong pakialam kung sino ang uunahin ko sa kanilang dalawa.

Ang mahalaga sa ngayon, Carlos can't be gone on my track. He's to tricky. Baka mahirapan ulit kami sa paghahanap sa kanya.

It could take years again, or worst hindi ko na siya mahanap. But I won't let that happen, lalo na ngayon na pakiramdam ko malapit lang siya.


~~~~~~~~~~

Nasa loob na ako ng building at naglalakad papunta sa room, pero hindi ko pa din inaalis ang sunglasses ko.

I have these terrible eyes. Tss.

Pagkadating ko binati agad ako ni Michi.

Kumakaway siyang naka ngiti pero agad ding nawala at naka tingin sa likod ko.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon