Chapter 48

13.3K 384 12
                                    

"Get off Felix."

Sunod-sunod siyang umiling at naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Where have you been? You don't know how hard not to see you every day."

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inaalis sa pagkakayakap sa akin.

Nanlalaban pa siya n g una pero na gawa ko pa din umalis sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

Napansin ko din na parang nag iba ang itsura niya, parang walang buhay ang awra niya.

"I don't owe you an explanation."

Walang gana kong sagot sa kanya.

"Yes, you do."

Napa ngisi naman ako sa sinabi niya.

"I don't."

Tinalikuran ko na siya pero mabilis niyang na hawakan ang braso ko at iniharap sa kanya.

"Then don't."

Sabi niya sabay halik sa labi ko.

Natulala ako sa ginawa niya. At muli ko na naman naramdaman ang matagal ko ng hindi naramdaman.

Itinulak ko siya na ikina taka niya.

"That will be the last."

Seryoso kong sabi.

Ayoko kasi ng ganitong pakiramdam, hindi ko alam kung ano 'to. Naguguluhan ako.

Sa nangyayari sa akin ngayon, walang lugar 'tong nararamdaman ko.

Magsasalita pa sana siya ng may tumawag sa pangalan ko.

"Sophia."

Lumapit sa amin si Hunter at tumingin kay Felix.

Tinignan naman siya ni Felix ng masama. At bago pa may mangyari,

"Let's go, Hunter."

Hindi ko na tinignan si Felix, pagkasabi ko ay umalis na ako at naramdaman na sumunod na sa akin si Hunter.


~~~~~~~

Pagdating naman naming dalawa sa parking, na kita ko sila Nathan, Michi na kumakaway sa akin at si Jasper na agad na inalis ang tingin sa akin.

Pero ng makita nila kung sino ang kasama ko umiba bigla ang itsura nila.

Dire-diretso lang ang lakad namin ni Hunter at huminto siya ilang kotse lang ang pagitan ng kotse nila Jasper sa kanya.

Habang ako ay tuloy-tuloy lang ang lakad dahil nasa bandang dulo ang parking ng mga motor.

Pagdating ko sa motor ko ay agad akong sumakay, alam kong sinusundan nila ako ng tingin.

Kaya sinuot ko na ang helmet ko at tsaka lang sila tinignan dahil tinted ang helmet ko, hindi nila malalaman na nakatingin ako sa kanila na mga nakakanganga at hindi makapaniwala.

Pagka buhay ko sa makina ay pina andar ko na 'yun, muli ko silang madadaanan kaya mas nakita ko ng malapitan ang mga nakaka tawa nilang itsura.

Pag tingin ko sa side mirror ko ay nakita kong naka sunod na si Hunter sa akin. Paglabas namin sa gate, pina una ko na siya dahil siya ang may alam ng daan sa pupuntahan namin.

~~~~~~~~~~

Tumigil kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant.

Bumaba siya sa kotse niya at nilapitan ako, inangat niya ang harang ng helmet ko at tinignan ako.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon