Chapter 20

14.9K 444 16
                                    

"'Di ba siya yung nagpahiya kay Hunter?"

"Oo siya nga. Grabe nga daw ang ginawa niya. Tinapon at tinapak tapakan daw 'yung rose na binigay sa kanya."

"What? Ginawa niya talaga 'yun? Mas bitch pa pala siya sa mga kilala kong bitch dito."

"Sinabi mo pa. At talagang bitch siya hindi porket kapatid niya si Jasper lalandiin na rin niya sila Nathan, Michi lalo na si Felix. My god! Kadiri siya!"

Tinapon at tinapak tapakan?

Ahh. Ganun pala 'yung ginawa ko kanina, hindi ko kasi alam.

Kung alam lang nila how I hate being called Jasper's sister. 'Cause, we are not really siblings.

And say what? Nilalandi? Sila Nathan, Michi at Felix? Eh makita lang mukha nila nababad trip na ako.

Tss.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa mapipigilan ang pasensya ko.

Ang hirap mag pigil ah.

"Sophia!"

Celine called me as I enter our room.

"Where's Bruno?" Tanong ko.

Pagdating ko kasi siya lang ang nandito.

Wala 'yung iba kong kaklase, kaya napatingin ako sa relo ko. Dapat start na ang next subject namin by now.

"Our next prof has an emergency so he can't make it. About Bruno, he said that he's going to do some important things. And he also said I'll wait for you here."

Kaya naman pala walang tao. Saan naman kaya nagpunta ang Bruno na 'yun.

"Ok."

Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa pinto.

Pupunta na lang ako kay Saturn, break pa niya ngayon.

"Sandali."

Celine grab my arm to stop me. Inalis din naman niya agad ang kamay niya at biglang yumuko.

"I thought you're pure?"

Tanong ko. Although 'yung tagalog niya ay slang.

"I-I have a Filipina nanny. That's why I know and I can understand tagalog words but only konti."

I'm about to leave when she stops me again.

"A-Are you mad? I lied to Bruno about what you said earlier---"

"If I'm mad, do you think I will stand here in front of you and have a conversation?"

Muli siyang napayuko at nagsalita.

"Je suis désolé."

[I'm sorry.]

"Tss."

Mukhang wala naman na siyang sasabihin kaya tinalikuran ko na ulit siya.

"Sophia, wait."

This girl is starting to get on my nerves.

My 'lists of most annoying persons' are already full. 'Wag ka ng dumagdag.

"W-Where are you going? C-can I come? I--"

"No."

Matigas kong sabi at tuluyan na siyang iniwan.

Akala ko susunod siya buti naman at hindi, mukhang makulit din ang isang 'yun.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon