Chapter 8

18.2K 502 7
                                    

The class went well.

And because I'm new here, I was forced to introduce myself--which I really really really hate.

At sa tuwing magpapakilala ako sa kada prof na papasok ay laging sumisingit si Jasper at sasabihin na kapatid daw niya ako--which again, I found so awkward and very uncomfortable.

Hindi ako sanay na may tumatawag o nagsasabi sa akin na kapatid nila ako.

At 'yung tungkol doon sa lalakeng sumakal sa akin, he didn't come back.

Kaibigan daw nila Jasper 'yun at 'yung inupuan ko ay upuan pala niya at ayaw na ayaw niyang may ibang umuupo doon, at talagang sobrang mainitin daw ang ulo niya.

Wala akong pakealam tungkol doon at alam kong short tempered siya, tulad na lang ng nangyari kahapon.

Siya at 'yung lalake kahapon na walang balak na hintuan 'yung tuta, ay iisa.

Noong unang kita ko sa mata niya ay nag doubt pa ako, pero habang tumatagal na nakatingin ako sa kanya noong sinasakal niya ako, napagtanto kong siya nga iyon.

Hindi ko alam kung na alala niya ako kaya ganoon na lang ang galit niya sa akin.

"Sis, where are you going? Dito ang papunta sa cafeteria."

Tinawag ako ni Jasper ng bigla akong lumiko.

"I know." Sabi ko ng hindi siya nililingon.

"Eh saan ka nga pupunta?"

Imbes na sumagot itinaas ko na lang ang kanang kamay ko.

Kay Saturn talaga ako pupunta, ilang oras na kaming magkasama ni Jasper at ng mga kaibigan niya, wala akong balak na mag bonding kami buong araw.

Hindi pa man din ako nakaka lapit sa room nila ay rinig na rinig ko na ang boses niya habang malakas na tumatawa.

Ng nasa tapat na ako ng room niya nakita ko siyang pinaliligiran ng mga kaklase niya habang nagkukwento ng kung ano sabay tatawa ang mga classmate niya.

Napa ngiti naman ako sa nakikita ko, atleast kahit papaano sa edad ni Saturn ay hindi puro patayan at gulo ang ginagawa niya.

Kahit sa ganitong paraan maranasan man lang niya na maging normal na binata.

"Uii!! Hi Kira!!"

Ng mapansin na niya ako agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa akin.

"Ang saya mo ah."

Puna ko sa kanya.

"Talaga! Halos nga lahat kilala ko na--ui mga pare kamusta?"

Napalingon ako sa likuran ko, may bigla kasi siyang tinawag, at pagtingin ko nga tatlong lalake ang dumaan at kinamusta niya.

Sumagot naman sila at pumasok sa kabilang room.

"Hindi mo 'yun classmate no?"

Naka ngiti siya habang tumatango.

"Pero kilala mo?"

Tumango ulit siya.

"Eh 'di ikaw na friendly." Natawa siya sa sinabi ko.

Totoo naman, pareho naming first day ngayon pero kung maka 'ui pare' siya parang ang tagal tagal na niyang nag aaral dito.

Sinabihan ko siya na sabay na kami mag break pero pinilit niya muna akong makipagkilala sa mga 'new friends' daw niya.

Tinignan ko siya ng masama at tumanggi.

Kailan ba ako nakipag kaibigan, alam naman niya 'yun. Mapang asar din eh, tss.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon