Chapter 35

13.4K 419 12
                                    

Third Person's POV

"See you later!"

Paalam ni Saturn kay Kira ng maghiwalay sila, tinanguan lamang siya ni Kira at nag lakad na din.

Habang naglalakad ay nag titinginan at nag bubulungan ang mga estudyanteng na dadaanan niya, ang iba naman ay umiiwas kahit nasa malayo pa.

Hindi iyon pinansin ni Kira at tuloy lamang siya sa paglakad.

Ng makarating siya sa tapat ng elevator, ay nag alisan ang mga kasabay niyang naghihintay.

At muling hindi binigyang pansin.

Ng bumukas ang pinto ng elevator, na gulat ang mga naka sakay doon at nag uunahang maka labas.

Napa ngisi si Kira na wala siyang ibang makaka sabay, kaya't pumasok na siya at agad na sinara iyon.

Pagdating naman niya sa palapag kung saan ang kanyang silid, tulad ng iba ay nagsi layuan din ang mga estudyanteng nag hihintay.

Pag labas niya ay siya lamang ang nag lalakad sa gitna ng pasilyo at lahat ng makaka salubong niya ay iniiwasan siya.

Hindi pa man din siya nakaka lapit sa kanilang silid aralan ay nakita na niya ang dalawang pulis kasama ang dean.

"Ms. Sophia Dela Fuente?"

Tanong ng isang pulis.

Hindi niya binigyan ng pansin ang tumawag sa kanya, at tinignan ang mga kaklase niya sa loob na naka tingin din sa kanya.

Sila Bruno at Celine naman ay nag aalalang naka tingin sa kanya.

"What now?"

Walang gana niyang tanong sa dean.

"Ms. dela Fuente can we talk in my office?"

Tanong sa kanya ng dean, at muling ibinaling ang tingin sa mga pulis.

Tumango si Kira bilang sagot, na ikinapasalamat ng dean at sinabihan sila na sumunod sa kanya.

Muling nag bulungan habang nakatingin sa kanya ang bawat estudyante na nadadaanan nila. Pinag sabihan naman sila ng dean na magsipasok na sa kani-kanilang mga silid.

Huminto sila sa tapat ng elevator at tahimik na hinintay na bumukas iyon, ng bumukas ay lumabas ang mga naka sakay na sila Nathan, Michi, Jasper at Felix na mga nagulat sa nakitang mga pulis na pinagigitnaan si Kira.

"Mama?"

Nagtatakang tanong ni Michi sa dean.

"Tita--dean, bakit po kasama niyo ang kapatid ko? M-may mga pulis pa ho."

Naitaas naman ni Kira ang isang kilay sa sinabi ni Jasper.

"Magsi punta na kayo sa room niyo, ilang minuto na lang at mag sisimula na ang klase niyo."

"Pero dean--"

"Jasper, kakausapin lang namin ang kapatid mo."

Kahit nag aalangan ay tumango na lamang si Jasper at mabagal na naglakad habang naka tingin sa kapatid.

Samantalang si Felix naman ay nakatayo pa din sa tapat ng elevator at naka tingin lang din kay Kira.

"Felix, sumunod ka na sa kanila."

Sabi ng dean.

"What is this?"

Seryosong tanong ni Felix, na ikina buntong hininga ng dean.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon