Chapter 18

15.7K 479 27
                                    

"Thank you Sakura, say hi to the gang for me ok? Miss ko na kayong lahat."

[Hai! We miss you too, pero hindi si Saturn. Sayōnara Kira!"]

I ended up the call, natawa naman ako sa sinabi niyang miss na nila ako pero hindi si Saturn.

Buti nga at tinawagan niya ako, akala ko kinalimutan na niya akong kamustahin. Madami lang daw kasi siyang ginagawa kaya di niya ako matawagan.

Wala sila Eve, siya lang ang naka usap ko. Nag hunt daw sila kaya wala sila sa bahay ng tumawag siya.

Hunting is the very best part of my life as an assassin. And it sucks dahil hindi nila ako kasama.

Plano ko sanang mag jog ngayong umaga pero na alala ko ang sugat ko baka lumala.

Paunti-unti naman ng gumagaling, pero ayoko na mag take ng risk baka imbes na mabilis gumaling lumala pa lalo.

Napa higa ulit ako sa kama ko at nag isip.

Muli akong napa bangon agad sa kama at pumunta sa closet ko at mabilis na nag palit ng kulay pulang two piece at nagsuot muna ako ng robe.

Actually, hindi ko talaga inasahan na may ganito sa bagahe ko.

Naisip ko na si Misha nga pala ang nag ayos ng lahat ng gamit ko kaya what to expect from her.

Pag labas ko ng kwarto ko pababa na sana ako ng hagdan ng maisip kong puntahan si Saturn at ayaing mag swimming kasama ko.

Pag pasok ko sa kwarto niya, madilim pa dahil naka sara pa ang kurtina niya at tanging dim lights lang ang naka bukas.

Nilapitan ko siya at ginising pero umungol lang siya at halatang antok na antok pa.

Ano ba kasing oras natulog 'to?

Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at binuksan ang kurtina niya.

Bago ako lumabas tinignan ko muna siya na tulog na tulog talaga.

Bumaba na ako at dito pa lang sa hagdan na aamoy ko na ang mabangong niluluto sa kusina.

Tss. Nagutom tuloy ako. Hindi nga pala ako kumain kagabi.

Pagdating ko sa kusina na abutan ko na si Elizabeth pala ang nagluluto at ni walang kasambahay na tumutulong sa kanya.

Si Ashton lang ang kasama niya na naka upo sa high stool at kumakain ng prutas.

"Iha! Good morning."

Bati sa akin ni Elizabeth ng mapansin niya akong naka tayo sa pinto at gulat na gulat siya.

"Hi ate Sophia, good morning po."

Bati naman ni Ashton.

Tinanguan ko lang siya at tumabi sa kanya.

Kakain na lang din muna siguro ako ng prutas.

"Naku, teka lang ha. Gutom ka na ba? Matatapos na din naman 'to."

Bigla siyang nataranta sa pag kilos at di na alam kung ano ang uunahin hanggang sa magka mali na siya at may amoy sunog na.

Tss. Takot ba siya sa akin or what?

Inilagay ko ang balat ng saging ko sa plato ni Ashton, may mga balat na rin naman ng prutas doon kaya di naman rude.

"Tell your mom I'm not yet hungry. So, no need to rush."

Bulong ko kay Ashton at lumabas na ako sa back door netong kusina, mas malapit kasi 'to sa pool area. Konting lakad lang.

Bago ko maisara ang pinto narinig ko na sinabi ni Ashton kay Elizabeth ang pinapa sabi ko.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon