Chapter 15

15K 428 19
                                    

"Dali, dito tayo Sophia."

Tss.

"I can walk, bitawan mo ang kamay ko."

Iritable kong sabi kay Bruno, kanina pa kasi hila ng hila eh. Gustohin ko man na balian ng buto 'to, hindi naman pwede. Isa pa, wala si Saturn nasa library pa at may group activity.

Tapos na ang klase namin, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakaka balik si Jasper hindi ko alam kung saan siya nag punta.

Wala naman problema sa akin kung uuwi ako mag isa, mas maganda nga 'yun dahil tahimik lang. Pero pag umalis kasi ako, malamang niyan magiging machine gun nanaman ang bibig nun.

"Oh ayan upo na tayo. Sinasabi ko sayo dabest ang pwesto natin dito, makikita natin 'yung triceps ng kapatid mo."

Sabi niya na parang giraffe ang itsura dahil humahaba 'yung leeg niya sa kakahanap ng kung sino sa court.

"What?"

Hindi ko kasi masyadong narinig 'yung sinabi niya sa dulo medyo mahina tapos ang iingay pa ng mga tao dito, tss. I really can't stand noises.

"Wala hehe. Oh, ayan na sila."

Tumawa lang siya at tinuro ang dalawang team na pumasok sa gym, sabay kuha ng cellphone niya sa bulsa niya.

"What are you doing?"

Tanong ko.

"I told you, mag ta-try out ako kaya kailangan kong i-record ang mga tricks at kung paano sila mag laro para makasabay ako."

Seryoso siya sa pag rerecord ng video kaya sumilip ako.

"May tricks ba diyan sa mukha nila?"

Tanong ko na mukhang nagulat pa siya kaya agad niyang nilagay sa dibdib niya 'yung cellphone niya at alanganing ngumiti sa akin.

"A-Ahh...k-kasama 'yun...f-facial expressions..oo..k-kailangan ko din makopya ang facial expressions nila p-para.....astig!"

Napa iling na lang ako at pinatong 'yung paa ko sa kaharap kong upuan.

Saktong pagkuha ko ng cellphone ko, tumatawag si Saturn.

"What?"

[Hey, I'm sorry hindi ako makakasabay sa inyo ni Jasper. Baka ma late na din ako kasi ang dami namin kailangang iresearch. Tatawag na din ako sa bahay para alam nila.]

So kung mababalikan ako ni Jasper dito, kaming dalawa lang ang uuwi?

Great.

"K."

Tipid at walang gana kong sagot.

[Ingat---wait! Nasa gym ka ba? Bakit ang ingay, tapos parang may tunog ng tumatalbog na bola.]

"Yeah, pero paalis na ako. Sige na bye."

Tinapos ko na ang pag uusap naming.

"Woohoo!!! Go, team!!"

I really can't take this, kaya tumayo na ako at naglakad palabas.

"Hey, Sophia! Where are you going?"

Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makababa ako.

"Haha boys naman--ohmaygosh! What the hell bitch?!!"

Tumingin ako sa likod ko baka kasi nandoon ang kausap niya.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon