Teaser

18.8K 279 82
                                    

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

"Alagaan mo ng mabuti si Ethan, PeeJay" ang bilin niya sa akin. "You better watch your back"

"I know exactly what to do, Clarissa" ang depensa ko. Napangiti naman ang mga pulang labi ni Clarissa. "Hinding-hindi ko na hahayaang makuha mo siya sa akin"

"Oh, don't worry Prince Jasper. Wala na akong intensyong kunin pa sa'yo si Ethan. Well, I'm over him. Sa ganda kong to..." ang pagbubuhat niya ng sariling bangko. Anytime, baka liparin na ako ng hangin.  "Anyways, alam ko naman ang lovelife sa mga katulad niyo... pangshort term lang"

"Anong gusto mong sabihin?" ang naiirita kong tanong. "Deretsuhin mo na ako"

Pinanood ko siyang iangat ang hintuturo niya at kinaway ito sa harap ko.

"Uh-uh" ang reaksyon sabay higop ng kape. Naiwan ang pulang lipstick sa gilid ng puting mug. "PeeJay, naging magkaibigan tayo. And I just want to tell you the cold truth. Tignan mo naman si Ethan. He's close to perfection. Marami at marami kang karibal sa kanya"

"Pero ako ang pinili niya" ang depensa ko.

"Sa ngayon, ikaw" si Clarissa. "Paano bukas?"

"Mahal ako ni Ethan"

"Sa ngayon... ang bagay napagsasawaan. Tao pa kaya..."

"Stop" ang pagpigil ko sa kanya. Ayaw ko na marinig pa ang mga ibang sasabihin niya. Tumayo na ako.

"I was once the hindrance" si Clarissa. Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. "Pero ngayon ako naman ang audience sa great love story niyo. And I'll be laughing when I see you fall."

"Hindi yan mangyayari" ang komento ko bago tumalikod at akmang maglalakad palayo.

"You can never tell, Prince Jasper. Huwag ka masyadong maging kampante"

"I trust Ethan" ang huli kong sinabi bago naglakad palayo.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Alas onse na nang gabi, hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Nakasandal ang mga kamay ko sa mesa. I'm gaining my stance, para kasi akong babagsak. Hinahabol ko ang paghinga ko. Where is he? Naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko pero hindi ko yun pinansin.

"Sorry, PeeJay" ang sabi ni Aryan. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"It's his birthday" ang nanghihina kong sinabi. "It's his birthday and hindi siya pumunta sa party na hinanda ko. Sa party na isang linggo kong pinaghandaan para sa kanya. Nag-eeffort ako, lagi niya lang binabalewala."

"Baka naman may maganda siyang rason"

"Pwes, ano? Patapos na ang araw. Wala pa siya. Ginawa niya na to nung birthday ko, pati ba naman ngayon? Hindi ko na kaya. Pagod na ako"

12:30 am...

Nasa sala lang ako at nakaupo. Nakatitig sa kawalan... Nasa taas na sila Aryan, Aldren at Blaze; napagod talaga sila sa pagtulong sa akin sa paghahanda ng birthday party ni Ethan.

May nag-park sa harap ng bahay. Marahil ang magaling kong boyfriend. Tumayo naman ako at lumabas. Sasalubungin ko na sana siya nang makita si AJ, ang palihim na karibal ko sa taong mahal ko.

Pwes, sa araw na to meron nang panalo... Kaagad naman siyang lumapit sa akin at yinakap ako.

"Baby ko. I miss you so much"

"Bitawan mo ako" ang malamig kong utos sabay hawi sa mga kamay niya. Rumihistro sa kanyang mukha ang gulat. Tinitigan ko siya mg masama. Nagawa niya pang umarteng, walang kasalanan. I'm so fed up. "Sumama ka sa akin"

"But-"

"Wag mo akong paghintayin" ang sabi ko sabay lakad palayo.

"AJ, sandali lang, ha?" ang paalam niya. Mas lalo akong nabwisit.

"Shit!" ang pagmumura ko. Naramdaman ko na lang ang akbay niya nang tumabi sa akin. Kaagad ko namang tinanggal yun. "Don't you dare touch me you bloody son of a bitch!"

"PeeJay"

"Shut your stupid mouth and just come with me!" ang bulyaw ko sa kanya. Dumeretso kami sa mini park. Naupo ako sa bench. Tumabi naman siya sa akin. Lumayo agad ako. Binalutan kami ng katahimikan.

"Galit ka?" ang tanong niya.

"Of course! Stupid! Bat ang manhid mo, ha?"

"Sorry na... nakalimutan ko lang. Hindi namin namalayan ang oras ni AJ"

Pumintig ang tenga ko nang narinig ko mula sa kanya ang pangalang yun.

"AJ... AJ.... AJ... siya pa ang kasama mo at siya lang ang kasama mo sa birthday mo imbes ako na boyfriend mo. Hindi lang minsan to nangyari, Ethan. Maraming beses na!!!"

"PeeJay, sorry na"

Tumayo na ako. Pagod na pagod na ako sa mga nangyayari.

"I'm letting you go"

"W-what? PeeJay, wag mong gawin sa akin to. Please" tumayo siya at yumakap sa akin, tinulak ko naman siya palayo.

"Hindi ako tanga lalo nang hindi manhid, Ethan. Mahal mo na si AJ. Hindi na ako"

"Hindi"

"Sinong linoko mo? Ethan, bumalik ako noon galing Dublin para sayo, pinaglaban kita. Ginawa ko ang lahat....pero ngayon, useless na ... mahal mo na rin siya."

"Bakit mo ba sinasabi yan?" .napaluhod siya sa harap ko at napahagulgol. "Saan ako nagkulang?"

"Hindi dapat ikaw ang nagtatanong niyan. Ako.... Ethan, saan ba ako nagkulang? Ginagawa ko naman ang lahat pero hindi pa sapat para sa'yo. Anong meron si AJ na wala sa akin?"

"I love you so much Ethan. Sobra kitang minamahal. Ilang beses kitang pinatawad kahit na kahit kailan hindi ka nanghingi ng tawad. Hindi ko na kaya, pagod na ako" naglakad ako palayo. Huminto ulit ako at lumingon. "Belated Happy Birthday. Sana ma-enjoy mo ang birthday gift ko: ang kalayaan mo."

Nagpatuloy na nga ako sa paglalakad palayo. Naririnig ko ang paghagulgol niya at pagsipa at suntok sa kawawang puno.

"PeeJay!!" ang narinig kong sigaw niya. "Ikaw ang mahal ko"

Ako nga ba???

Napahinto ako nang makita si AJ sa tabi ng kotse ni Ethan.

"Alagaan mo si Ethan" ang bilin ko bago pumasok ng bahay.

OLSG 3: HeartlessWhere stories live. Discover now