Chapter 25

1.6K 43 3
                                    

25.


"Pwede na ba naming malaman ang location ng wedding niyo para maplano na natin ang magiging set up nito as well as the decorations?" Tanong ng wedding planner na nasa harap nila.

Napahalukipkip ang mga kamay ni Abby. "Two weeks pa naman bago ang wedding. Hintayin mo kung kailan namin sasabihin."

"Pero mas maganda kung malalaman natin ng mas maaga dahil kagaya nga ng sinabi mo, two weeks na lang bago ang kasal niyo. Para naman mas mapaghandaan natin, 'di ba?"

Napataas ang kanyang kilay dahil sa iritasyon. "Wedding planner ka, 'di ba? Pinapasweldo ka naman ng maayos so kahit rush pa yan o hindi, I'm sure gagawin mo ng maayos ang trabaho mo dahil binabayaran ka. So huwag kang magmadali dahil hindi naman ikaw ang ikakasal... Maghintay ka kung kailan mo malalaman ang location ng kasal dahil ibang tao ang magdedecide nun at hindi kami."

Napaawang ang labi ng babaeng kaharap nila dahil sa kanyang pagsusungit pero binalewala iyon ni Abby at nalingon si Jordan na tulala pa rin simula nang magsimula sila ng discussion tungkol sa kanilang nalalapit na kasal kasama ang wedding planner na kinuha ni Jiro para sa kanila. Ito rin ang magdedesisyon sa kung saan sila magpapakasal at dahil hindi pa ito nakakapagdesisyon ay wala pa silang maibigay na impormasyon tungkol doon. Pero hindi siya nababahala na hindi na gustong ituloy ni Jiro ang kasal nila ni Jordan dahil alam niya kung gaano nito kagustong makakuha ng mas malaking benepisyo mula sa kanilang pamilya; sa pagsusupply nila ng walang kamatayang armas para sa mga nasasakupan nito.

"K-Kung ganon... Dito na lang muna tayo sa mga pagkaing ihahanda para sa mga guests. May mga specific food ba kayong gustong isama sa menu like your favorite to eat?"

Inaasahan niyang kahit papaano ay makukuha pa rin nila ang atensyon ni Jordan pero nanatili lamang itong walang kibo; bahagyang nakatungo at nakatulala sa wedding ring na suot nito.

Doon tuluyang nainis si Abby at napatiim ito ng bagang para lamang pigilan ang galit. "You know what? Why don't we do this some other day dahil wala sa sarili ang fiancee ko at kailangan naming mag-usap. Umalis ka na muna at wala namang mapupuntahan 'tong usapan natin."

Hindi agad nakapagsalita ang babae dahil sa gulat sa narinig mula sa kanya. Nakita niya ang pag-angat ng mukha ni Jordan para tingnan ang kanilang wedding planner pero agad din itong nag-iwas ng tingin at sa halip ay tumingin sa malawak na hardin ng mga Jiro.

Pinandilatan niya ng mga mata ang wedding planner na halatang lito pa rin sa mga sinabi niya at alangang tumayo saka dali-daling umalis.

Napabuntong hininga si Abby at binalingan na si Jordan na wala pa ring kibo hanggang ngayon. Hindi pa rin naghihilom ang malaking sugat sa likod ng binata na gawa ng ama nito pero kumpara noong nakaraang linggo ax nakakaupo na ito at nakakakilos na din. Pero simula noong mangyari ang malagim na sinapit ng ina at kapatid ng lalaki ay hindi na ito nakipagsalamuha sa kahit na sino sa kanila; palaging nagkukulong sa kwarto at walang imik na sumusunod sa bawat sasabihin ni Jiro.

Hindi alam ni Abby kung hanggang kailan matatapos ang pagluluksa nito para sa pamilyang nawala sa kanya ngunit sa tingin niya ay hindi nito kailangang magpakalunod sa sakit at kalungkutan gayong hindi naman sila ang tunay na pamilya nito.

Isa pa, kasalanan niya rin naman kung bakit ginawa yun ng tatay niya. Kung hindi ba naman siya tanga at nagtangkang itakas yung dalawang yun, baka makita pa nila kaming ikasal. 

"Hindi lang naman ako ang ikakasal, Jordan. Kaya kailangan mo ring magparticipate. Tigilan mo na yang page-emo mo at wala ka na rin namang magagawa."

Ngunit hindi man lang siya nilingon ng kanyang kausap. Kanina pa siya nito pinagmumukhang tanga sa harap ng kanilang wedding planner at ayaw na ayaw niyang napapahiya sa ibang tao.

THE ONE That I Will Fight For (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon