Chapter 6

2K 71 3
                                    

6.

Ilang minuto na ang nakakalipas simula nang mapugutan ng ulo si Ricky ngunit hindi pa rin makapagsalita si Jordan. Ganundin si Lorie na natulala na habang hindi nito magawang ikilos ang katawan dahil sa krimeng nasaksihan. Si Gio ay malalakas pa din ang hikbi; itinago na lamang ang mukha sa kanyang braso dahil natatakot itong baka siya na ang susunod.

"Hindi naman mahirap tanggapin ang kamatayan, Yuwei. Lahat naman ng tao'y mamamatay, sa hindi nga lang magkaparehong paraan." Mahinahong sabi ni Jiro at ibinigay ang katanang may dugo pa ni Ricky sa isa nitong tauhan na agad lumapit.

"Bakit hindi na lang ikaw ang mamatay?..." Bulong ni Jordan habang natutulala sa dugong nagkalat sa sahig.

"... Bakit si Papa pa? Bakit hindi na lang ikaw?..." Nilingong muli ni Jordan ang matandang kanyang kinasusuklaman. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagbabadya pero hindi niya pwedeng hayaang umiyak sa harapan ng walang awang lalaking ito.

Mataas pa rin si Jiro. Hindi natinag sa kanyang mga sinasabi. Nakatingin lang ito sa kanya at nakuha pa nitong mag-angat ng sulok ng kanyang labi.

Gusto niyang tumawa. Gusto niyang humalakhak ng malakas dahil gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat. Na ang totoo'y magigising din siya at makikita niya pa rin ang kanyang ama. Ang kanyang Papa. At hindi totoo ang lahat ng nangyayaring ito.

Pero lalo lamang naninikip ang dibdib ni Jordan. Lalo lamang siyang gustong patayin sa sakit ng damdamin na gawa ng walang awang matandang ito at nagsasabing siya niyang tunay na ama.

Hindi ko kayang tanggapin iyon. Hindi! 

Marahas siyang humarap kay Jiro at sinugod ito para bigyan ng malakas na suntok pero naging maagap ang tauhan nito na agad humarang at saka nito ginawa ang gusto niyang gawin sa matanda.

Tumilapon siya sa sahig kasabay ng dugong mabilis na lumabas sa kanyang bibig. Naramdaman niya kung paano'ng pumutok ang kanyang labi, at kung paano'ng halos mabasag ang kanyang panga.

"Jordan! Jordan anak! Maawa na kayo! Maawa naman kayo!" Sigaw ni Lorie nang daluhan siya nito.

Malakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong kwarto.

"Alam mo namang wala akong awa pero heto't sinasabihan mo ako na maawa? Nagpapatawa ka bang babae ka?"

Nanlaki ang mga mata ni Jordan nang marahas na hinigit ni Jiro ang kamay ni Lorie at iniharap sa kanya saka kinuwelyuhan.

Hayop! Walang kasing hayop ang walang hiyang 'to! Demonyo ka! Demonyo ka at kailangan mong bumalik sa impyerno! 

Pinilit niya ang katawan na magkaroon ng lakas para tumayo; para bawiin ang ina mula sa demonyong humahawak dito.

"Ano Yuwei, kailangan ko na bang sundan ang lalaking iyon para lang pumayag ka sa gusto ko? Gusto mo bang ubusin ko na ang dalawang 'to ngayon pa lang?"

Gago! Darating ang araw na ibababa mo yang ulo mo dahil ako mismo ang pupugot nyan! 

Naubo si Lorie sa higpit ng pagkakahawak ni Jiro sa leeg nito. Lit eral nitong sinasakal ang ginang habang sinisipat ang mukha.

"O papahirapan ko muna bago ko ibigay ang kamatayan? Pero syempre, kailangan mong masaksihan para mas maganda ang palabas... Isama mo na din 'tong anak niyang nanginginig na sa takot." Kutya nito at ang mga tauhan naman ang nagtawanan.

Nakita niya ang isa sa mga ito na lumapit kay Gio at parang tutang walang habas na hinawakan ang likurang bahagi ng damit nito at itinaas para ipakita kay Jiro.

THE ONE That I Will Fight For (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon