XXXIX. The Risky Decision [preview]

198 7 0
                                    


***Dawn's POV***


"There you are, Sweetie! I've been looking all over for you! Well, this doesn't look like the ICU?"

"H-Helene?! A-Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba sabi ko sa'yo—"

Agad lumapit si Helene sa namumulahan nang si Red at umangkla agad sa braso nito. Natulala ako ng ilang segundo dahil malayo sa nakilala kong babae ang nakikita ko ngayon. Malayong malayo siya sa iyakin at mahinang babaeng tinulungan namin noon. Ano'ng nangyari sa kanya? At ano'ng meron sa kanila ni Red?

"Uhm..."

"D-Dawn, you know Helene, right?" Halos hindi ko narinig ang sinabi niyang 'yun. Dahan dahan niyang inalis ang pagka-angkla ni Helene sa kanya at hindi siya makatingin sa akin.

"Yeah. Of course, I remember. From the Science Lab, right?" Tama na. Oras na para umalis na ako. Inubos ko lahat ng ngiti ko para sa buong araw at ibinigay 'yun sa babaeng kaharap ko."Okay. Mabuti naman at mukhang ayos ka naman, Helene. Mauna na ako sa—"

"I'm Red's girlfriend, by the way." Parangtumigil ang paghinga ko sa mga salitang 'yun. Hindi ko alam kung ano'ngekspresyon ang nasa mukha ko ngayon. Gusto kong tignan si Red at kumpirmahinang lahat pero parang naging estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman kona lang na basa ang mukha ko ng tubig.  



---end of preview 09.23.16

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now