XXII. [preview] Love At First Sight?

276 17 5
                                    

***Joyce's POV***


"Indulge!" Pag-gaya ko sa sinabi sa'kin ng Uno na 'yun kanina. "Tss. Nakakatawa siya! Hindi na lang sabihin na gusto niya makausap ng solo si Ate Dawn, ang dami pang pasakalye!" Pumunta ako sa isang buffet table at masarap nga ang mga pagkaing nakahain dito. Wala namang mawawala kung kakain ako, tutal, party nga naman ito.



"Kahit 'wag na tayong pumunta sa after-party. Matapos ko lang 'yung Confirmation Rites, alis na rin tayo, para maaga rin kita maihatid sa bahay niyo."


"Where's the fun in that? Nandoon na rin naman ako, edi lubusin ko na! Minsan lang ako makasama sa mga collegiate event, todohin ko na ang experience." Habang tahimik ang Espada, lubusin na dapat namin ang mga ganitong normal na oras.


"Mas excited ka pa kaysa sa 'kin, ah?"


"Ate Dawn, loosen up a bit! Masyado kang tight, eh! Ikaw itong push ng push sa akin na i-enjoy ang high school life ko, ikaw naman ang super boring ng college life!" Inakbayan ko pa siya para i-diin ang punto ko. "Alam natin na sobrang hirap ng pinagdaanan mo noong high school. Kung tutuusin, wala ka na ngang na-enjoy na moment sa apat na taon na iyon, eh. Kaya bumawi ka sa college years mo, Ate Dawn! Have fun!"


"Grabe, kung anu-ano sinasabi mo diyan! Oo na, sige na! Have fun, have fun ka pa diyan!" At nagtawanan lang kami sa medyo drama moment na iyon.


"Nga pala, Ate, si Kuya Red ba pupunta rin?"


"Hindi. Hindi ko na siya inimbita. Ayoko na siyang abalahin sa walang kwentang okasyon na 'yun. Saka alam kong busy siya sa school-"


"OMG! Don't tell me, non-speaking terms pa rin kayo? Grabe, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa inyong dalawa! Hindi naman kayo, pero ang OA ng LQ niyo, ha!"


"Tse! LQ ka diyan! 'Yang utak mo, ipapa-vacuum ko 'yan, eh! Kung anu-anong dumi ang namamahay dyan, eh!" Inalog-alog niya ang ulo ko habang tumatawa. Tumigil lang siya nang makita ang parating na school bus na maghahatid sa 'kin pauwi.


"Bye, Ate Dawn! Kita na lang tayo bukas!"



Kukunin ko na ang natitirang cream puff na nakahain sa mesa nang may makabangga ang kamay ko papunta rito.


"Sorry." Sabay naming sabi. Napatingin ako sa may-ari ng boses at natulala ako nang magtama ang mga mata namin. Ang pogi!


"Sa'yo na, Miss. Mayroon pa yata sa kabilang table niyan." Narinig ko ang sinabi niya, pero hindi ko naintindihan. Epekto lang ba ng ilaw o gutom ko lang ito? "Uh... Miss? Okay ka lang ba?" Pumitik pitik siya sa harapan ko na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyang panahon.


"H-Huh? A-Ano 'yun?" Agad kong isinara ang bibig kong pwede nang pasukan ng langaw sa pagkakanganga. Stupid, unfocused me! Nakakahiya!


"Sabi ko, sa'yo na lang." At inilapag niya sa plato ko ang cream puff na pinag-agawan namin kanina. "Are you okay?"


"Ah, oo. O-Okay lang ako. Hehe... Sorry, medyo... ma-malakas kasi 'yung tugtog, h-hindi ako makarinig mabuti. Thank you pala dito." Para akong tangang ngingiti ngiti sa kanya. Gusto kong sapakin ang sarili ko pero hindi gumagana ng tama ang utak ko. Ngumiti pa siya at nailapag ko bigla ang plato ko sa mesa at kumapit dito para sa suporta. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang gawin niya iyon at parang biglang natuyo ang lalamunan ko.


"I'm sorry for asking, pero hindi ka kasi familiar. Are you from the university o guest ka?" Ilang segundo ang kinailangan para makasagot ako.


"Guest? Ah, oo! Haha! Guest, oo, bisita ako! Uhmm... Kaibigan ko 'yung isang na-confirm na Novice!" Sobrang buffering ng utak ko! Reboot! Reboot!


"Oh, okay. Kaya pala hindi ko natatandaan ang mukha mo. I should remember if someone has a face like yours." Teka, compliment ba iyong sinabi niya?


"Ay, grabe naman. Salamat." Isang daang porsyentong sigurado ako na namula ang buong mukha ko nang sabihin niya iyon.


"By the way, I'm Theo." Iniabot niya ang kamay niya sa akin at nag-antay siya na abutin ko ito.


"J-Joyce."


--to be continued...

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن