XV. It's a Date!

391 20 13
                                    

Maikli lang ito kasi mahaba iyong susunod. hohoho!

***Dawn's POV***

"Ano?! Nawawala si Trisha?!" Iyon agad ang ibinungad sa akin ni Grey pagpasok niya pa lang ng Cafeteria. Kasalukuyan akong naghahapunan kasama ang mga roommate ko at hinihingal pa siyang naupo sa isang bakanteng upuan sa mesa namin.

"I just received a call from the Concord Camp Leader. Tinatanong nila kung magkasama kami."

"A-Alam mo ba kung nasaan na siya? Nagparamdam na ba siya sa 'yo?"

"Kagaya ng sinabi ko sa 'yo kaninang umaga, huli kaming nagkita noong laro sa Gym. Pagkatapos noon, hindi na kami nagkita ulit. She called and texted, pero hindi ko siya sinasagot. The last one was last night."

"H-Hindi pwede 'to. Kailangan makita siya kaagad." Isinubo ko ang huling kutsara ko ng kanin at ulam saka inubos ang tubig sa baso ko. Nakatingin lang silang lahat sa akin at bigla akong nahiya. "Ah... Eh... Kasi... Ano..."

"Ano ba'ng kailangan mo kay Trisha? Bakit mo siya hinahanap? Tapos ngayon, nawawala na siya. May alam ka ba sa nangyayari, Dawn?" Napatingin lang ako kay Grey at hindi ko alam kung ano'ng paliwanag ang ibibigay ko sa kanya.

"Teka, teka, teka nga! Excuse me lang, ano? Dawn, ano'ng kaguluhan ito?" Bigla kong nakita ang tatlong kasama ko. Parang kanina wala sila sa mesang ito.

"Uhm... S-Si Grey nga pala. Valiant Camp Leader at--"

"May-ari ng Reed. Alam namin iyon, hindi kami tanga. Ang tinatanong namin, kailan pa kayo naging magkakilala?" Patuloy ni Lizzy.

"At saka sino itong nawawalang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Anne.

"May hindi ba kami alam, Dawn?" Pagtitig sa akin ni Kris. Sasakit na ang ulo ko. Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat sa kanila? Teka. Hindi ko kailangang magpaliwanag!

"Ah, eh... Teka lang, ha? Pupunta lang ako sa CR." Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng Cafeteria. Narinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ito ang oras para kausapin ko sila tungkol sa bagay na hindi naman nila dapat malaman.

Nang masiguro ko nang hindi na nila ako hinahabol, nag-dahan dahan na ako ng takbo at lumakad na lang sa gilid ng field. Nawawala na si Trisha. Katulad ito ng nangyari kay Paulina noon. Saan ko naman siya hahanapin sa laki ng lugar na ito? Naupo ako sa bleacher at tinignan ang mga nag-e-ensayong soccer player. Inilabas ko ang cellphone ko at inisip na tawagan si Red. 

"Pero... Kakausapin niya ba ako? Haaay!" Napakamot ako sa ulo ko sinipa ang isang maliit na bato. "Si Joyce na lang muna." Agad kong tinawagan si Joyce pero patay ang cellphone niya. Inulit ko pa rin ang pagtawag pero ganoon pa rin ang resulta. Nag-text na lang ako na tawagan niya ako kaagad kapag nabasa niya ang text ko.

"Alam ba ng tinatawagan mo kung nasaan si Trisha?" Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa gulat nang marinig ko ang boses ni Grey sa likuran ko. Nakatayo siya sa mga bleacher at pababa na sa tabi ko. "You can't just runaway from me like that without giving me an answer." Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa sapatos ko. Ano ba'ng dapat kong sabihin?

"Ma-Mahirap kasi... Hindi ko alam kung p-paano ko sasabihin..."

"I can take any answers." 

"Okay. Okay, sige." Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Kailangan ko lang siyang balaan."  

"Balaan?"

"H-Hindi ko pwedeng sabihin, G-Grey. B-Basta kailangan ko lang siyang sabihan na... mag-ingat siya at 'wag magpapaiwan mag-isa." Humina na ang boses ko nang sabihin ko ang huli.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now