VIII. The Novice Ball

437 22 7
                                    

Isang maikling update.

***Dawn's POV***

"Estudyante siya ng Reed University!"

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang natuklasan ni Joyce. Paano ko hahanapin si Paulina Martinez para mabalaan siya? Sobrang laki ng Reed at bago lang ako dito. Sa dami ng estudyante, paano ko siya makikita bago pa may mangyari sa kanyang hindi maganda? Peste! Nalutas nga namin iyong anagram sa red note, ngayon, pahirapan naman hanapin ang magiging biktima nila.

"Dawn! Oi, Dawn!" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ng isa kong kaibigan.

"Tulala ka na naman. Okay ka lang ba, girl?" Tanong pa ng isa.

"Ah, o-oo. Pa-pasensiya na." Isinubo ko ang natitira kong pancake at uminom ng kape. Kasalukuyan kaming nag-a-agahan ng mga roommates kong sila Lizzy, Anne at Kris.

"Tinatanong ni Lizzy kung may isusuot ka na sa Novice Ball sa Sabado?" Napa-sapo ako sa noo ko. Ang Novice Ball! Tuluyan nang nawala iyon sa isip ko dahil naging tutok ako sa red note na iyon.

"Mukhang wala pa." Pagsagot ni Kris sa tanong ni Lizzy.

"'Wag mong sabihing hindi ka pupunta, Dawn? Required tayong pumunta doon, unless, gusto mo na namang mapagalitan ni Uno?"

"Oo nga. Nawala kasi sa isip ko. Pupunta ako, siyempre. Ayoko na masermonan, no! Uhm. May damit na ba kayo?"

***

Lumipas ang mga araw at dumating na ang gabi ng Novice Ball. Para itong welcome party para sa aming mga baguhan. Imbitado rito ang limang lider ng iba't ibang Camps at ilan sa mga miyembro nila para pormal na magpakilala sa amin. Sa paraang ito, magkakaroon kami ng ideya tungkol sa Camp nila at pagkakataon na rin para makihalubiho sa kanila. Ito ang oras para ipakita nila na sila ang Camp na dapat naming salihan pagkatapos ng isa't kalahating buwan pang Novice Period.

Napaka-garbo ng pagdiriwang na ito. Tradisyon na raw ito taon taon at hindi iniiba ang tema nitong masqurade ball. Kaya lahat ng tao dito ay nakasuot ng maskara. Hindi ka malilito sa kung sino ang mga tao sa pagdiriwang na ito dahil color-coded ang lahat-- puting damit at maskara ang ipinasuot sa aming mga novice. Berde ang sa Austerity, dilaw ang sa Concord, asul ang sa Forthright, lila ang sa Scholar at pula ang sa Valiant.

Sobrang ganda ng ginawa nilang ayos sa Town Hall na matatagpuan sa loob ng Reed University. Makulay, maayos at malinis. Mukhang ginagawa ng bawat Camp ang trabaho nila. Simpleng ball gown lang ang suot ko. Nagpasama pa ako kay Joyce para bumili nito kahapon lang. Mas okay na sa akin ang magsuot ng ordinaryong damit basta makapunta lang, kaysa mapagalitan na naman ako.

"Good evening, everyone!" Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa mikropono. Tumigil ang tugtog at lahat at tumingin sa stage kung saan naka-tutok ang lahat ng ilaw. Isang lalaking naka-suot ng dilaw na maskara ang nagsasalita katabi ang isang babaeng naka-dilaw na maskara rin. "To the Novices, Camp Leaders and our guests, we welcome you to this year's Novice Ball!" Pumalakpak ang dalawang nasa entablado at gumaya na rin kami sa kanila.

"We would like to call on the Novice Leader, Uno Delos Reyes for his opening remarks." Umakyat si Uno at hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanya.

"Shems, bakit biglang parang ang gwapo na niya sa paningin ko?" Bulong ni Anne sa tabi ko.

"Nadala lang 'yan ng maskara, ano ka ba?" Sagot ni Kris.

"Hindi, girl, iba talaga ang dating niya ngayon. Sobrang kisig ng dating niya, iyong damit, iyong maskara, iyong ayos ng buhok... Ano sa tingin mo, Dawn?" Sabay kalabit sa akin ni Lizzy.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now