XXIV. [preview] 4 Days

261 13 3
                                    

***Dawn's POV***


"Ano'ng sabi niya?" Tanong ko kay Joyce pagkatapos nilang mag-usap ni Red. Kasalukuyan kaming nagmi-miryenda sa Cafeteria habang ginagawa ko ang assignment ko sa English. Isang red note ang nakita ko sa aparador ko kanina bago ako pumasok. 4 Days. Iyon lang ang nakasulat, pero abut-abot ang kabang naramdaman ko sa red note na iyon. Binibilangan na nila kami. Ano'ng mangyayari pagkatapos ng apat na araw?


"Countdown daw siguro iyon. 5 Days ang nakasulat sa red note na nakuha niya, ngayon naman sa 'yo, 4 Days na lang. Natatakot ako, Ate Dawn. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa binabalak nila. Ngayon, nawawala na naman ang isang estudyante ng Reed."


Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa plano nilang mangyari pagkatapos ng apat na araw, pero hindi ko pwedeng ipakita iyon kay Joyce. Kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanya. Kailangan kong makausap si Red. Kailangan handa kami kahit papaano, kung anuman ang mangyari sa araw na iyon.


"'Wag ka mag-alala, Joyce. Malalampasan din natin ito, kakayanin natin. Sa ngayon, kailangan mahanap natin ang nawawalang estudyante. Hindi pwedeng nagtatagal ang pagkawala ng isang tao, lalo na kapag nasa paligid lang ang Espada."


"Queenie Arevalo. She's in third year and she's from Austerity." Hindi ko naramdaman ang pagdating niya. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Joyce nang maupo sa tabi ko si Grey. Nang mawala ang estudyanteng iyon, lumapit agad siya sa akin at nagtanong kung katulad ito ng kaso nila Paulina at Trisha. Hindi ko siya masagot dahil ayokong siguruhin ang posibilidad na iyon.


"We're receiving red notes, his protecting his school's image and credibility. Iyon lang iyon, Joyce, 'wag kang mag-alala."



—-to be continued...

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now