XXXI. The Fifth Day Part 4 [preview]

188 11 0
                                    

***Joyce's POV***

"Vince!!!"

"Ate Dawn! Gumising ka na, tama na 'yan!" Inalog ko ulit ang katawan niya, pero wala itong epekto. Naisip ko na ang posibilidad na atakihin siyang muli ng sakit niya sa sitwasyong ito. Napakadaya ng Espada! Lalong lumaki ang galit sa dibdib ko sa ginagawa nila.

"Patawarin mo ako, Vince... Patawad, patawad..." Isang sampal ang ibinigay ko kay Ate Dawn. Hindi ko na alam ang gagawin ko para matigil ang ilusyong nananakit sa kanya. Tumigil siya sa pagiyak at hawak ang pisnging tumingin sa akin.

"S-Sorry, Ate. K-Kasi ano—"

"Joyce?" Tumango ako at agad siyang yumakap sa akin.

"Sorry. Sorry, Joyce!" Bumitiw na siya at tinignan akong mabuti. "Pasensya ka na, hindi ko alam na..." Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa niya at itinali ito sa sugatan kong braso. Tinignan din niya ang mga gasgas ko sa binti at mukha. Mag-isa kong tinalo ang lalaking iyon habang inaatake siya ng sakit niya. Alam kong lumagpas na ako sa oras dahil sa hiyawang nangibabaw sa paligid kanina. Hindi ko alam ang nangyari pero, sa likod ng bandila ay may isang maliit na TV ulit at ipinapakita dito ang dalawa nang katawang walang buhay.

"Tama na, Ate. Ayos lang, ako. Halika na." Mahinahon kong pagtigil sa kanya sa paghingi niya ng tawad. Inakay ko siya sa pagtayo at doon lang niya napansin ang paligid. Tumulo muli ang luha sa mata niya muling yumakap sa akin.

"Patawarin mo ako, Joyce. Hindi na kita pababayaan ulit."

"Naiintindihan kita, Ate. Ayos lang talaga ako." Tumingin kami sa paligid at inisip kung saan maaaring naroon ang ibang bandila. "Hayun, Ate!" Nakita ko ang nakasabit na bandila sa ikatlong palapag ng Building IV. Agad kaming tumakbo papunta roon at tumunog na muli ang sirena.


to be continued... 01.13.16



The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Kde žijí příběhy. Začni objevovat