XIX. [preview] In The Eyes of Espada part 2

280 17 2
                                    

***Espada Christmas' POV***

["See you all there in twenty minutes."] Narinig ko ang pag-arangkada ng sasakyan sa linya ni Asia. Siguradong ang hayok sa pagmamanehong si Frost ang tao sa manibela.

"Kahit kailan, sobrang daldal mo talaga!" Pagtaas ng boses ko kay Eve. Tinignan ko siya at nakita kong nakamasid lang siyang mabuti sa lugar kung saan nanggaling ang sangkaterbang myembro ng Lobo na bumulaga sa amin kanina. Lagi na lang siyang ganyan— deadma sa galit ko.

"'Wag kang sumigaw, mas lalakas ang pagtagas ng dugo sa tiyan mo kung sisigaw ka pa. Sino ba kasi'ng nagsabi na tulungan mo ako, Chris—"

"Ilang milyong beses na ba natin napag-usapan ito, Eve?! Hindi lang tayo magkapatid, kambal tayo! Hindi pwedeng may mawawalang isa."

"Walang mawawala kung hindi ka ume-epal sa laban ko."

"Ano'ng sinabi mo?! Ume-epal?!" At napahawak ako bigla sa malaking hiwang tinamo ko mula sa bwisit na myembro ng Lobo na 'yon. Aaminin ko, sobra na ang pagkirot nito at hindi na nababawasan ang paglabas ng dugo mula rito kahit na tinalian na ni Eve ito ng tela mula sa damit niya. Pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang paligid.


Anim na taong gulang lang kami ng mahiwalay kami sa aming pamilya. Dinukot kami ng isang sindikato mula sa eskwelahang pinapasukan namin at dinala kami sa siyudad para mamalimos at magnakaw. May ilang katulad namin ang nagtangakang tumakas, pero nahuli rin sila, at sa bandang huli ay pinatay din. Gustuhin man naming tumakas at umuwi, hindi namin magawa iyon dahil alam namin ni Eve kung gaano kahalang ang kaluluwa ng sindikatong kumokontrol sa amin.

Isang taon pa ang lumipas at naging bihasa na kaming dalawa sa ginagawa namin. Naging paborito kami ng lider ng sindikato dahil sa linis naming magtrabaho at sa dami ng naiuuwi namin sa kanya araw araw. Hindi namin gusto ang ginagawa namin, pero wala kaming magawa. At sa isang misyon namin nakilala ang Espada.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon