XXXIII. Change of Hearts?

223 14 2
                                    

Iwas danak-dugo muna! hoho! Pasensya na, ngayon lang na-upload kahit matagal nang naisulat. Ang bagal kasi ng internet, kainis! haha! Anyways, sana magustuhan niyo ang chapter na ito! 



***Dawn's POV***

"Hindi ako aalis hangga't kailangan mo ako."

"Salamat, Ate." Ngumiti na lang ako sa kanya at saka nagpaalam. Pumasok na siya sa klase niya at lumakad na ako pabalik sa University.

Ilang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang pagsugod ng Espada sa Reed at BIS. Bumalik na ang lahat sa normal, pero may mga sandali pa ring naaalala ng mga tao ang karumal dumal na nangyari noong gabing 'yon. Wala na kaming narinig mula sa Espada simula noon. Pero hindi dahilan 'yon para maging kampante kami.

"Hindi si Kuya Red."

"Huh?"

"Simula nung nangyari 'yon, kinamusta lang niya tayo nung sumunod na araw tapos wala na!"

"Alam mo namang hindi madali para sa kanya ang lahat, kasi mag-isa lang siya doon."

"I don't think so. Ang palagay ko, nakakita siya ng bagong paraan para makalimot." Huminto kami sa paglakad papunta sa klase ni Joyce at tinignan ko ang ipinipakita niya mula sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko dahil may mga post sa social media account ni Red na mga litrato kung saan karamihan dito ay kasama niya si Helene.

"M-Mukhang a-ayos naman s-siya doon..." Lumakad na akong muli at bumuntong hininga na lang.

"Gusto ko si Ate Helene, pero hindi para kay Kuya Red. Ang hindi ko ma-gets, bakit madalas silang magkasama? At! Hindi na niya tayo kinakausap simula nun! Kinalimutan na niya tayo, ganun ganun na lang?" Huminto na kami sa harapan ng klase niya.

"Joyce, alam ko kung gaano kaimportante si Red sa'yo, pero may sarili pa rin siyang buhay at kung anuman ang gawin niya dun, wala na tayong pakialam. He may or may not join us in this battle against Espada, it's his decision and we can't force him to do what we want."

"P-Pero, Ate. Madami na tayong pinagdaanan na magkakasama... Bakit biglaan naman?" Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mukha. Niyakap ko na lang siya at nangakong hindi ko siya iiwan kahit ano'ng mangyari. 


***

"Make sure that this report will be submitted next week. Class dismissed." Agad nagtayuan ang mga kaklase ko at lumabas na ng klase. Mas binilisan ko na ang pagkopya sa mga nakasulat sa whiteboard para makalabas na rin ako. Isinara ko kaagad ang notbuk ko at tumayo dala ang aking bag. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Joyce.

"Nasaan ka na?"

["Kararating lang ng service, Ate. Sasakay na ako."]

"Sige, sige. Mag-ingat ka at i-text mo ako pagdating mo sa bahay, ha?"

["Okay, Ate. Ingat ka rin. Bye!"] Nasa may pintuan na ako palabas nang makita ko siya sa tapat ng klase namin. Ibinulsa ko ang cellphone ko at tumingin lang sa kanya. Naglakad na ako papunta sa kabilang direksyon nang tawagin niya ako. Huminto ako at humarap sa kanya.

"I was hoping this will be your last class."

"Ano'ng kailangan mo sa' kin, Uno?"

"Can I invite you for coffee?"

"Okay..." At lumakad kami papunta sa isang coffee shop sa Reed Community.


***

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon