One: Chasing Her Fake Husband

933 19 10
                                    

SAMANTHA

SEEING him again had made my heart flutter. Iyong mga matatamis niyang ngiti at nakakahawa niyang tawa. I wanted to approach him to say 'Hi' pero tila ba ako poste na nasemento sa kinatatayuan ko lalo pa't may kasama siyang iba. I only smiled despite the ache in my heart.

"Ayoko na! I'm done playing your games! Tao rin ako na may karapatang mapagod, na may hangganan ang pasensiya. Oo mahal kita and I'm such a stupid person to believe that my love would be enough to change you, pero hindi pala, wala pa rin pala dahil hanggang ngayon patuloy mo pa rin akong sinasaktan at patuloy mo pa ring inaabuso ang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo." That were the last words he said to me before he left.

I was so shocked that time, hindi ko akalaing magagawa niya akong sigawan at dahil nasaktan ang ego ko, I pushed him away, the only man who ever truly loved me. I expected that after he cooled down babalik siya but how wrong was I and now my heart is breaking seeing him happy with someone else.

Naduduwag akong lumapit sa kanya magkakaroon pa kaya ako ng lakas ng loob na kausapin siya ngayong masaya na siya. I don't want to ruin his happiness but my heart kept on pushing me to go and talk to him, to make things clear and to say the words I should have said noong kasama ko pa siya, noong nagpapanggap pa siyang asawa ko.

Umuwi akong hindi man lang siya nakakausap but it seems that fate is with me this time dahil nakita ko uli siya at sa pagkakataong ito ay mag-isa lang niya. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at unti-unting lumapit sa kanya.

Nakayuko siya habang nagbabasa ng libro and I smiled tulad pa rin siya ng dati he still loves reading books. I smiled to myself at huminga ng malalim it's now or never.

"Hi!" kaswal kong bati sa kanya. He looked up and frowned. I already know na hindi siya masayang makita ako.

"Hi," pilit na bati niya bago siya bumalik uli sa pagbabasa. Mukhang ayaw talaga niya akong pansinin.

Umupo ako sa upuan sa harap niya and silently watched him. Ilang sandali pa ay inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako. His soft hazel eyes, namiss ko ang mga mata niyang iyon lalo kapag nag-aalala siya sa akin noon.

"What do you want?" he asked rather harshly and irritated. Pabalang niyang isinara ang librong binabasa niya at tinitigan ako ng seryoso.

"I just want to talk Dave," pahayag ko. I know I looked like pathetic right now but I still want to try, kahit man lang makausap siya ng saglit ay okay lang sa akin.

"Samantha tapos na tayo, its been a year and we have nothing to talk about," sagot niya. He frowned and crossed his arms in front of him sabay sandal sa kanyang upuan.

"Dave I, I want to say sorry. I know it's too late to apologize, but I just want you to know that I love you Dave-" naputol sana ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Love me? Samantha don't play with me, alam natin pareho na hindi mo ako mahal because you're a playgirl and playgirls don't say I love you because they are serious but because they are just playing around," he coldly said that made me flinch.

"Alam kong hindi mo ako kayang paniwalaan, but Dave I'm telling you the truth. I love you!" I said with all the sincerity I can. Pero lalo kong nakita mula sa mga mata niya ang galit.

"Sorry Samantha pero hindi ko na kayang ipagkatiwala pa sa iyo ang puso ko. Ayaw ko ng masaktan uli at hindi ko na hahayaang paglaruan mo ang puso ko sa pangalawang pagkakataon. I've been badly hurt Samantha, minahal kita pero sinayang mo lang iyon. I can't and I won't bring myself to love and trust you again." Tumayo siya at aktong aalis but I stood up and held his wrist, tight.

"Let me prove it Dave, give me another chance to prove na mahal kita. Please Dave, if I need to kneel in front of you or be your slave I'll do it, mapatunayan ko lang na totoo ang nararamdaman at sinasabi ko," nagmamakaawang pahayag ko. I know I look pathetic right now begging someone for his attention but I don't care all I want is for him to give me chance.

"Give her a chance Dave," napalingon ako sa boses ng isang babae na biglang nagsalita mula sa likuran ko.

"No," madiing pahayag ni Dave. He yanked his wrist from my hold at umalis. "I did my best to move on at ngayon na kontento na ako sa buhay ko bigla siyang darating na para bang walang nangyari. I won't give her a chance." He gave me glare before he finally left.

"Fighting!" nakangiting pahayag ng babae sa akin.

Doon ko nalamang mali pala ang akala ko, that girl was Dave's cousin. Akala ko talaga girlfriend niya and that made my resolve firmer. I'll chase my fake husband and make him mine again.

DAVE

Seeing her again was not one of my expectations and to hear her confess was out of my imagination. Hindi ko akalaing sasabihin niya ang mga katagang matagal kong hinintay na sabihin niya one year ago when I was still her fake husband. Napatawa nalang ako because of the irony, hindi ko akalaing ang dakilang playgirl ay magagawang magmakaawa sa akin.

For the following days, she always stops by at my work place with lunch and snacks. I said 'no' pero heto siya ngayon at dinadalhan ako ng tanghalian, I forgot how stubborn she can be, so I let her.

Aaminin ko, I still love her, I don't know why pero makalipas ang isang taon mahal ko pa rin siya but I'm wary, ayokong ipagkatiwala ng basta-basta sa kanya ang puso ko because up until now my heart is still on the process of healing.

There are so many what if's in my mind and there was this lingering fear that once I love her again she might hurt me again and honestly I can't take that kind of pain for the second time.

SAMANTHA

Alam kong nagpapakamartir na ako sa pinaggagagawa ko but I don't care. I want him to feel that my love for him is true kaya heto ako ngayon at todo ang ginagawang panliligaw sa kanya.

There I saw him, on a semi-formal attire with his backpack and his eyeglasses and tall stature with his serious face and it just made me smile. Dahil kahit anong style ng pananamit niya bagay pa rin sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari nakatayo lang siya doon pero sa isang iglap ay nakahandusay na siya sa gilid ng kalsada at duguan. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang mga luha sa pisngi ko. Pinilit kong maglakad papunta sa kinaroroonan niya kung saan marami ng tao, napaluhod ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Dave..." nangangatal na tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.

I cried and wailed, shouting while clutching his hand. Hindi siya pwedeng mawala I was yet to prove to him that I love him. Hindi ko pa nasasabi na sobrang mahal ko siya na hindi ako susuko hanggat hindi siya bumabalik sa akin. Ito ba ang parusa dahil sa pagiging makasarili ko noon? Well it's not fair, this is so unfair. The man I love is dying right in front of me but I can't do anything.

"DAVE!!!" I heard myself scream in anguish and sorrow, wishing that I can bring back time and change what I have done in the past. Baka sakaling hindi ito mangyayari sa kanya.

Inside The Abyss: One-shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon