Itetext ko ba siya? Anong sasabihin ko? Kakamustahin ko? Tapos ano?

Haay!

Hindi ko na nagawang itext pa si Damon dahil nagsi datingan na yung mga katrabaho ko.

"Ayos ka lang?" Maj asked.

"Yah, no worries."

"Bakit daw napabisita yung Mama ni Damon?"

"Pinapakiusapan niya kong kausapin si Damon kahit ngayon lang, nasa hospital kasi ngayon yung Papa niya."

"May plano ka bang gawin yun?"

"Hindi ko alam." I said shaking my head.

Nang oras na ng uwian..

Sinimulan ko ng umuwi and until now ginugulo parin ng isip ko kung tatawagan ko ba siya para kausapin or itetext ko nalang? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pag tinawagan ko siya, makakaya ko na bang marinig boses niya? feeling ko kasi talaga hindi pa. Baka tumulo lang yung luha ko at mamiss siya. Kahit ang totoo naman araw araw ko siyang namimiss, nakakainis dahil nararamdaman ko pa yun sakabila ng pananakit niya sakin. Syete naman oh!

Nakarating ako sa Apartment, dumiretso ako ng sala at umupo sa couch. Hawak hawak ko lang yung cellphone ko, hawak hawak ko lang siya pero wala naman akong ginagawa.

Humawak ako sa tyan ako. "Baby, dapat ko bang tawagan yung Daddy mo?" Haay! Nababaliw na ko, pati anak kong hindi pa makakasagot kinakausap ko na.

Bahala na!

Sinimulan ko ng idial yung number niya nang biglang nakarinig ako ng katok mula sa labas ng Apartment ko. Haay! Ano to? Ayaw ba talaga nila ko patawagin kay Damon kaya may pumigil pa?

Tumayo na muna ko at pinagbuksan yung kumakatok na yun. "Sino ba yan?" Tanong ko bago ko pag buksan. Wala namang sumagot sakin, kaya medyo nag dalawang isip akong buksan.

"Sino yan?" I asked again.

"Ako to.." Shit!! That's Damon's voice. Dali dali ko siyang pinagbuksan at pag kakita ko sakanya, ang malungkot niya agad na mukha ang nakita ko.

"Hi.. uh.. sorry, i didn't mean to disturb you. I know ayaw mo na kong makita pero kasi.. kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon." Kita sa mga mata niya ang pagbabadyang pagtulo ng mga luha niya.

"Si Papa nasa hospital siya ngayon."

"Nabangit na sakin ng Mama mo."

"Hindi ko alam ang gagawin ko, halos buong buhay ko galit ang naramdaman ko sakanya. Pero ngayon nandito siya sa sitwasyong to, mahirap pala.." He's now crying. Hindi ko alam pero kusang gumalaw yung katawan ko para yakapin siya. Gusto ko siyang icompfort, kahit ngayon lang baka sakaling makatulong tong yakap ko.

Pero dahil sa ginawa kong to, naamoy ko na naman siya at yung buong katawan at pagkatao ko namimiss siya. I knew it, mangyayari to. Taksil tong lanyang pusong to eh.

Unti unti kong naramdaman ang pag yakap niya din sakin. "Natatakot akong baka mawala siya na hindi ko manlang nasabi sakanyang pinapapatawad ko na siya." Dagdag niya. I don't know what to say, i don't know how to comfort him. I was just tapping his back, comforting him. Enough na ba tong ginagawa ko? Wala pa naman akong kinomfort na lalake.

"He'll be fine." That's all i can say.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tumalikod ng bahagya para punasan ang luha niya. "Sorry ha, ngayon na nga lang tayong nagkita ganito pa itsura ko."

"Ayos lang, gwapo ka parin naman kahit umiiyak."

He chuckled, weakly. "Salamat." Buti nag lighten na yung mukha niya.

"Pasok ka?" I offer.

"Ayos lang ba? Hindi pa ba ko nakakaistorbo?" Hindi na ko nag salita at hinawakan nalang siya sa kamay niya papasok ng Apartment hanggang sa makarating kami sa sala at pinaupo ko siya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang nakatayo sa harap niya.

"Hindi pa."

"Same tayo, magluluto lang ako." Naglakad na ko papunta sa kusina at nag hanap ng pwedeng lutuin sa ref ko.

Nag sisimula na kong magluto ng marinig kong tinawag ako ni Damon.

"Amber.." i face him, he's seating. "Thank you."

"For what?"

"For this, i know it's still hard for you."

"Yah it is."

"I'm really sorry."

Huminga ako ng malalim. "Let's not talk about it now."

He looks down. "Okay."

Nag focus nalang ulit ako sa pag luluto, medyo nakakailang lang dahil alam kong pinapanuod ako ni Damon.

Natapos ako sa pagluluto at sinimulan ko na din naman agad ang mag hain, tinulungan niya ko kahit na sinabihan kong kaya ko na.

Nang nagsisimula na kaming kumain magkatabi lang kami ni Damon pero kahit ganun tahimik lang kami. Never pa kong nakaramdam ng awkwardness sa ex. ngayon palang.

"Damon, plano mo bang umuwi ngayon?" I asked to open up a topic. Ayoko ng ganitong awkwardness sa paligid namin.

"Oo."

"Gabi na, dito ka na matulog." Napatingin siya sakin sa sinabi ko.

"Ayos lang sayo?"

"Oo, dun ka na sa guest room."

"Hindi ba pwede sa kwarto mo?"

I'm tempted to roll my eyes but i refused. "Don't push it, dude." Kahit naman tempting katabi siya at miss ko siya, haler marunong akong magpigil.

"Okay."

Nang matapos kaming kumain, ako na ang naghugas at hinayaan na muna si Damon na makapag freshen up sa bathroom ko sa kwarto. Nang matapos naman ako sa pag huhugas nag stay na muna ako sa sala hangga't hindi lumalabas si Damon sa kwarto.

"I'm done." Damon said making me look at him. He's only wearing his sando and pants and he looks so really hot. I cleared my throat, erasing my thoughts. Damn it!

Tumayo nalang ako at di na nag salita plano ko na sanang pumunta sa kwarto ko pero hinawakan ako ni Damon sa braso at pinaharap sakanya. "What?" I asked.

"I just want to say goodnight." He kneeled down. He holds my waist and kisses my belly. "Goodnight, baby." He stands again and stared at my eyes, i just stared back.

"Goodnight, Mommy."

I bite my lower lip. "Goodnight, Daddy." I saw a small smile on the corner of his lips as i said that. Dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sa pisnge para halikan ako. Nang magawa niya yun, nag lakad na siya papunta sa guest room.

Diyos ko Lord!

--

Vote po. 😁

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon