Am I a Two-timer? >.<

174 4 0
                                    

Sabay pumasok sina Nadine at Brian Xygel sa school. Inihatid na sya ni BriX since on the way din naman saka pumayag naman yung daddy nya.

Pagpasok sa room, medyo madami ng tao tapos nakatitig sila sa dalawa kasi ipinagdala pa sya ni BriX ng gamit. Magkatabi pa sila ng upuan.

Bago umupo, binati nila sina Sophia, Raz at Jhake na parang nagtataka kung bakit sabay silang pumasok.

Pagkaupo ni Nadine, ibinigay sa kanya ni BriX ang mga gamit nya.

"Dindin, gamit mo.", sabi nya sabay abot ng books ni Nadine.

"Salamat!", sabi ni Nadine tapos nagsmile.

Narinig ito ng mga kaklase nila.

"Dindin?!", sabay na sabi nina Raz at Sophia.

Sa lakas ng pagkakasabi, napatingin tuloy sa kanila si BriX.

"Ah...sorry. Nakakaistorbo ata kami.", sabi ni Raz.

Ngumiti lang si BriX sa kanila.

Shocks!!! Gwapo nya pag ngumingiti. May dimples!!!

Nagpacute naman si Raz. Haha!

Siniko tuloy sya ni Sophia.

"Bakit kasabay mo sya?", tanong ni Jhake na walang emosyon tapos nakatingin lang sa black board.

Napatingin tuloy sa kanya si Nadine.

"Sinundo nya ko sa bahay e.", sagot ni Nadine.

"Ah. Close na pala kayo. Kelan pa?", halatang nagseselos na si Jhake.

Yung dalawa naman nina Sophia at Raz nagsimula nang magbulungan. Ewan kung anong pinag-uusapan pero mukhang tungkol sa 3 nilang seatmates.

"Bro, easy lang. Chillax! Wala namang masama kung close kami di ba?', sabi ni BriX tapos inakbayan si Nadine.

Ikinagulat ito ng lahat lalo na ni Jhake.

"BriX!!!", sabi ni Nadine na halatang nainis sa ginawa nito.

"O, bakit? Ginagawa na naman natin to dati di ba? Wag ka nang mahiya.", sabi ni BriX.

Tinanggal naman ni Nadine yung kamay ni Brian Xygell sa balikat nya tapos tiningnan nya ito ng masama.

Tuloy naman sa pagbubulungan ang iba nilang kaklase.

Si Kristoffer, medyo nainis na pero pinigilan lang ni Kylie.

"Dati pa? Anong dati pa?", nagtatakang tanong ni Jhake.

"Oo. Katunayan, nasa bahay nga nila ako kahapon e. Dun ako nagdinner kasama yung family nya. Tuwang-tuwa nga sina tito at tita.", nang-iinis na sabi ni BriX.

Parang pinagtitripan pa nito si Jhake.

"Ano'ng pinagsasasabi mo? Hindi nga sya nagpapabisita saken sa bahay nya... Ikaw pa?", sabi ni Jhake tapos napatingin kay Nadine na medyo nakayuko.

"Bakit? Ano ka ba nya?", tanong ni BriX.

"Boyfriend nya. Bakit? May angal ka?", sabi ni Jhake.

Halatang nagkakainitan na ang dalawa. Inaawat na sila ni Nadine pero ayaw pa din tumigil.

"Hahaha! Pwede ba?", sabi ni BriX.

"Bakit? Anong nakakatawa?", tanong ni Jhake na nagngingitngit na sa galit.

"Wala naman syang nabanggit sa akin na may boyfriend sya. Isa pa, sabi nina tito at tita, bawal pa daw.", sabi ni BriX.

My Nerdy GirlfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ