Picture... of WHO???

186 5 0
                                    

Pagdating sa bahay, nag-fb muna si Nadine...

Nakita na naman nito ang isang status na post ni Sophia.

--->

With my Boyfriend

PICTURE (nakalagay ang photos nila nung b-day nya)

--->

Nabadtrip naman si Nadine kaya naglog-out na ito.

"Teka? Bakit ba ko naiinis? Mali to... Mali talaga... Wala naman akong karapatan e.", sabi ni Nadine.

Nagbihis na si Nadine, kumain at gumawa ng assignment. Ginagalingan na talaga nya dahil madami syang namiss na lectures. Isa pa, malapit na din ang graduation...

Samantala, pag dating naman ni Kristoffer sa bahay nila ay kinausap na agad nya ang mommy nya.

"Hi Kris!", sabi ng mommy nya sabay beso-beso sa kanya.

"Ma, can i ask you something?", sabi ni Kris.

"Yeah sure... Ano ba yun?", tanong ng mommy nya."

"Ma... ano'ng kinalaman nyo sa break-up namin ni Kylie?", diretsong tanong ni Kristoffer.

"What?! Ano'ng pinagsasasabi mo?", sabi ng mommy nya.

"Ma, please! Sinabi na sakin ni Kylie na may alam kayo sa break-up namin!", galit na sabi ni Kristoffer.

His mother sighed.

"Fine! Aaminin ko na, ako nga ang dahilan ng break-up nyo... Pero i did that for you!", sabi ng mommy nya.

Tumalikod si Kristoffer.

"You did that for me? Ma, you know that i love her... Bakit mo naman ginawa yun?", sabi ni Kris na agad nang umakyat sa kwarto nya.

Matapos makapasok ni Kristoffer sa kwarto nya, inilabas ng mommy nya ang isang wallet. Binuksan nya ito at napaluha ito habang hinahaplos ang larawan ng isang lalaki.

*****

Sa bahay ni Kylie, makikita ang isang pamilyar na mukha...

"Hi Kylie!", sabi ng daddy nya.

"Oh, bakit parang dinilim ka ata?", tanong ng mommy nya.

"Ah... madami lang pong ginawa sa school, Ma. Dad!", sagot ni Kylie.

Ibinaba na nya ang bag nya at pumasok na sa kwarto.

"Sige po, magbibihis na po muna ako.", sabi ni Kylie.

"Okay!", sabi ng parents nya.

*****

Kriiiiiiiiiiing!!!

Biglang nagring ang cellphone ni Nadine.

RAZZEL calling...

Sinagot nya ang tawag nito.

"Nadz, ano nga bang gagawin dun sa assignment natin sa math?", tanong nito.

"Hay naku! Madali lang yan...", at ipinaliwanag nga ni Nadine ang gagawin.

After several mins, natapos din sila sa pagtatanungan ng math kaya ibang bagay naman ang itinanong ni Nadine kay Raz.

"Raz, bakit nga pala nagbreak sina Kylie at Kris? Sayang kasi, bagay pa naman sila.", sabi ni Nadine.

"Ahmmm... Sa totoo lang, hindi ko din alam e. After na malaman ng mommy ni Kris na Valdez ang apelyido ni Kylie, kinausap nya ito. Yun lang ang alam ko e. Di ko naman alam kung anong pinag-usapan nila.", sabi ni Razzel.

"Ganun? Tingin mo may kinalaman kaya yun sa paghihiwalay nila?", tanong ni Nadine.

"Ewan... Wala naman siguro...", sabi ni Raz.

Nagkwentuhan pa ang magBFF tungkol sa mga bagay-bagay sa school at ilang saglit pa'y nagpaalam na si Raz.

"Nadz, paubos na load ko... Bye-bye na!", sabi nito.

"Ah... ganun ba? Sige, bye!", sabi ni Nadine.

Itinuloy na nya ang pagagawa ng iba pa nyang assignments at saka humiga sa kama nya.

"Siguro naman wala akong kinalaman sa break-up nila noh? Kelan ko lang naman nakilala si Kris...Hmmm... Ano kayang pinag-usapan nina Kylie at ng mommy ni Kris?", naisip ni NAdine.

Bigla namang sumingit sa isip nya sina Jhake at Sophia.

"Hay! Ano ba tong naiisip ko?! Makatulog na nga lang! Hindi na ko dat nakikialam pa sa buhay ng may buhay... Lalong hindi na dapat pa kong mag-isip ng anumang tungkol kay Jhake.", sabi nito.

At tuluyan na ngang nakatulog si Nadine... <3

My Nerdy GirlfriendWhere stories live. Discover now