Dedma :-(

222 3 0
                                    

Pagpasok sa library, dumiretso agad ang 3 sa lalagyan ng cards para sa books. Then, after makita yung kelangan nila, pumunta agad sila sa bookshelves.

Naghanap ang 3 ng mga literary books na pwede nilang gawan ng book report. Nang makakita na si Raz, nauna na itong naupo sa napili nilang seat kanina at naiwan naman sina Nadine at Sophia na naghahanap pa din.

Pagkaalis na pagkaalis ni Raz, kinausap agad ni Sophia si Nadine...

"Friend, nakita ko kayo kanina ni Raz na nag-uusap ng seryoso. Ano bang pinag-usapan nyo, share naman dyan... Friends na naman tayo di ba? Siguro naman pwede mo na kong sabihan ng mga problema mo, baka i can help you.", sabi ni Sophia na nagpapanggap na mabait.

Ngumiti naman si Nadine. Talagang ramdam nya na mabait na sa kanya si Sophia. (akala lang nya yun)

Sophia tapped her shoulder.(FC lang)

"Pwede kang magkwento sakin ha. Feel free to tell me.", sabi pa ni Sophia.

Tumango naman si Nadine.

"Wala naman akong problema. May nasira lang akong isang mahalagang bagay. Napakaimportante sakin nun kaya lang hindi ko alam kung pwede ko pa yun maibalik sa dati.", sabi ni Nadine na ang tinutukoy ay tungkol sa relationship nya with Jhake.

Lonely face naman si Sophia, feeling concerned.

"Ano namang bagay yun? Baka maayos ko pa.", sabi ni Sophia.

Hindi nya pwedeng sabihin na si Jhake yun. Siguradong hindi maaayos ni Sophia yun kahit anong mangyari. Baka masira lang ang friendship nila.

"Ah, wala. Siguro talagang it's meant to be broken kahit sa simula pa lang.", sabi ni Nadine.

"Ganun ba? Okay, hindi na kita kukulitin.", sabi ni Sophia.

Sa mga sinabing ito ni Sophia, nagflashback na naman ang mga sinabi ni Jhake kanina.

"Ganun ba? Sorry ha! Sorry kung nakakagulo ako sayo. Akala ko kasi okay tayo e. Wag kang mag-alala, hindi na kita kukulitin. I'm sorry!", sabi ni Jhake sabay talikod.

Nalungkot ulit ang mukha ni Nadine na agad namang napansin ni Sophia.

"Oh, did i say something wrong?", tanong nito.

"Ah, hindi... Wala naman, may naalala lang akong malungkot na bagay. Tara na! Nakapili na ko ng book para sa report ko. Ikaw ba?", tanong ni Nadine na binago ang mood ng usapan.

"Oo, ito nga oh. Ang ganda!", sabi ni Sophia.

After ipalista ang librong hiniram, naupo na ang dalawa sa tabi ni Razzel para mag-umpisa na gumawa.

Habang nagbabasa, napansin ni Nadine ang isang part ng libro na medyo hawig sa nangyayari sa kanila ni Jhake ngayon.

Novel ito tungkol sa love and friendship. Madaming hadlang sa love story ng 2 bida lalo na ang friend ng babae na engaged na sa lalaki (arranged marriage). Ipinagpatuloy pa nya ang pagbabasa pero maya-maya pa'y time na para umalis.

Konti lang ang ibinigay na oras sa kanila ni Ms. Dela Vega para gamitin ang library dahil may klase pa sila ng 2:30. Agad na silang naghanda para pumunta sa classroom. dahil hindi nya natapos ang pagbabasa, hiniram nya ang book for home use. Gusto talaga nyang malaman ang nangyari sa love story ng 2 bida.

Pagdating sa classroom, pasulyap-sulyap sya sa likuran kung saan nakaupo si Jhake. Hindi man lang ito tumitingin sa kanya at patuloy lang sa pakikipag-usap kay Kristoffer. Talagang tinitoo nito ang sinabing hindi na sya kukulitin. Naninibago sya.

My Nerdy GirlfriendWhere stories live. Discover now