I'm the STAR?!

409 12 0
                                    

Days passed...

Unti-unting dumadami ang friends ni Nadine. Si Sophia lang talaga ang hindi nya makasundo. Saksakan kasi ng sungit itong si Sophia pero pag si Jhake ang kaharap ay parang nagtatransform mula sa pagiging devil papunta sa pagiging angel. Sophia Angela pa naman ang pangalan niya pero pang-devil ang pag-uugali nya.

*****

"Good morning class! Siguro naman ay narinig nyo na ang balita. Magkakaroon ng contest dito sa St. John at kelangan magperform ng bawat klase. Nagdrawlats kami kanina ng mga co-teachers ko at ang nakuha ko ay role playing.", pagbabalita ni Miss Dela Vega.

Naexcite ang lahat sa sinabi ng teacher nila. Ano kaya ang magiging theme ng role play nila at anu-anong karakter ang gaganapan ng bawat isa.

"Bago pa kayo magtanong, ROMANCE nga pala ang theme ng role play. Ibibigay ko bukas ang script  kay Ms. Trisha Gonzales (Secretary ng Klase). Magpapa-audition din tayo para sa lead roles so yung mga interested ay magprepare ng isang monologue.", dagdag pa nito.

*****

Kinabahan si Nadine sa iniannounce na ito ng teacher nila. Baka mag-audition si Jhake para maging leading man. Pano na sya? Gusto sana nyang makapartner ito kaya lang iniisip nyang hindi sila bagay.

Gwapo si Jhake... Maputi, chinito, matangkad at matalino. Samantalang siya ay isang hamak na nerd na nakasalamin, mahaba ang buhok at hindi marunong mag-ayos ng sarili. Grabe! Anong panama nya sa kagwapuhan nito.

Habang nag-iisip ng malalim, nasira ang konsentrasyon niya ng makitang nilapitan ni Sophia si Jhake.

"Naku! Baka sabihin ni Sophia na mag-audition si Jhake. Tiyak mag-auaudition din si Sophia... Tapos na talaga ang lahat pag si Sophia at si Jhake ang nakakuha ng lead roles.", pabulong na sambit niya.

"Aha!", biglang sulpot si Razzel.

"Ay! Raz!!! Kakagulat ka naman... Ano ba't bigla ka na lang sumusulpot?!", sabi ni Nadine sa kaibigan.

"May crush ka kay Jhake ano? Haha!!! Sabi ko na nga ba eh... Ang landihhhhhhhhh.....", pang-aasar nito.

"Ano ka ba Raz?! Wag ka nga maingay... Baka may makarinig sayo.", saway nito.

Wala talaga itong maitatago kay Razzel. Kaya nga niya ito naging best friend e... Alam na alam na nito ang ibig sabihin ng bawat kilos niya.

"So ano? Tama ako noh? May crush ka nga kay Jhake.", dagdag pa nito.

Tumango lang ito na medyo nahihiya pa.

"Bruhitang 'to... Aagawan pa ko. Akin si Jhake noh. Kame ang bagay.", biro nito.

Hindi naman nakasagot si Nadine.

"Gaga! Biro lang... Alam mo, gwapo naman talaga si Jhake e. Marami nga nagkakagusto dyan na taga ibang section pero may pagkamapili ata talaga. Alam mo ba, yang si Sophia buntot ng buntot dyan kay Jhake mula pa nung first year kame. Kulang na nga lang e sya ang manligaw kay Jhake.", kwento ni Raz.

"Alam ko naman yan Raz e. Alam kong madaming may gusto kay Jhake. Kaya nga hindi na ako umaasa e... Itong itsura kong 'to? Hay!", napabuntong hininga na lang ito dahil sa frustration.

"So anong gagawin mo? Mag-auaudition ka bukas?", tanong ni Raz.

"Hindi ko nga alam e. Baka, ewan... Hay!", sagot ni Nadine na medyo nag-aalanganin.

"Go! Mag-audition ka... Akong bahala sayo.", pang-eencourage ni Razzel sa kaibigan.

KInabukasan...

My Nerdy GirlfriendWhere stories live. Discover now