Love Letters, Flowers and Chocolates

355 8 0
                                    

2 weeks after magbago ng itsura si Nadine...

Pagbukas nya ng locker nya, may isang sobreng kulay pink... mabango ito at may kasama pang chocolates.

Lumingon siya sa paligid bago binuksan ang sobre...

"Kanino kaya galing ito at ano kayang laman nito?", tanong niya sa sarili.

Pagbukas niya ng sobre, binasa nya ang laman ng sulat na computerize pa. Ayaw sigurong malaman ng nagpadala kung sino sya.

-----> NADINE,

Bawat araw, lalo kang gumaganda... Pero simula pa lang, gusto na talaga kita kahit na yung dati mong itsura. Hindi mo na kelangan pang mag-ayos dahil you're special in your own simple ways. Yun lang ang gusto kong sabihin... Sige! Sya nga pala, chocolates para sayo... Matamis yan... pero mas matamis pa din ang ngiti mo. Kaya wag ka nang sumimangot ha! Smile always!

----->YOUR SECRET ADMIRER

Namula siya pagkabasa ng sulat. Sino kaya ang nagpadala nito sa kanya?

"Girl! Ano yan?", dumating si Razzel at nakitang hawak nya ang sulat at chocolates.

"Ah...Ano, chocolates...saka sulat, pero hindi sinabi kung sino ang nagbigay e.", sagot niya.

"Ganun? Love letter ba yan? Pabasa naman!!! :)", excited na sabi ni Razzel.

"Ah...ewan, love letter ba ang tawag dito? Ngayon lang kasi may nagbigay sakin nyan e. Ito oh...", sabi nya sabay abot ng sulat.

Binasa ni Raz ang sulat at napangiti ito...

"Girl, secret admirer ha?! Hindi kaya si Jhake ang may bigay nito? Pakiramdam ko kasi crush ka nun e, hindi lang nagpapahalata.", sabi ni Raz.

"Ha?! Imposible... Hindi nga ako pinapansin nun e... Ngingiti lang yun paminsan-minsan tapos kakausapin lang ako pag tungkol lang talaga sa school ang usapan. Malabo yun...", sabi niya.

Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin sya na kay Jhake nga galing ang sulat.

Nagpatuloy din ang pagbibigay sa kanya ng sulat ng SECRET ADMIRER nya... mga isang linggo ding walang tigil na nakakatanggap sya ng chocolates, flowers, at sulat.

Friday na...

Maaga syang nagpunta sa locker room. Gusto nyang mahuli sa akto kung sino ang SECRET ADMIRER nya. Nagtatago sya sa likod ng napakalaking divider ng mga nakadisplay na medals at trophies na nareceive ng school nila. Dahil malaki ito, malabong makita sya dito... Perfect na taguan.

Maya-maya pa'y dumating ang isang lalaki. Naka-cap ito at shades, medyo nakayuko din kaya hindi nya masyadong maaninag ang mukha nito. Nang papaalis na ito matapos maglagay ng regalo... Sumigaw sya sa nakatalikod nang lalaki.

"Sandali lang!", sigaw nya.

Napatigil ang lalaki. Hindi naman ito humarap sa kanya.

"Sino ka? At bakit mo ako binibigyan nyan? Kilala ba kita? Humarap ka naman sakin!", sabi nya.

Hindi pa din nalingon ang lalaki... patakbo itong umalis... Hinabol nya ito pero agad itong nakapagtago at nawala. Wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa classroom nila para umatend ng klase.

Pagkaupo nya sa seat nya, ikinwento nya agad kay Raz ang nangyari habang nagkaklase na sila sa English.

"Talaga?!", bulalas ni Razzel.

"Yes Razzel? Ano yung talagang pinagsasasabi mo dyan ngayon? Nagkaklase tayo!", sabi ni Ms. Dela Vega.

Sa sobrang excited, napagalitan pa tuloy siya ng prof nila.

"Sorry Ms.!", sabi niya.

"Sige na... take your seat na. Makinig ka na sa lessons ha!", sabi ni Ms. Dela Vega.

"Yes Ms. Dela Vega...", tugon nya.

Pagkaupong-pagkaupo pa lang... dumaldal na naman ito sa katabi nya (kay Nadine)

"Tapos anong nangyare? Nakita mo ba kung sino sya?!", bulong ni Razzel na walang kadala-dala.

"Hindi e... Tumakbo sya...", tugon ni Nadine.

"Sayang naman!", sabi ni Razzel.

"Uhm...", tumango naman si Nadine.

Iniisip pa din niya kung sino nga talaga ang secret admirer nya. Sayang at hindi nya ito inabutan. Lumipas ang buong araw na iniisip nya kung sino ang lalaking iyon.

"Si Jhake Angelo Yamamoto nga kaya yun tulad ng hula ni Razzel? Sana!", naisip nya sabay tingin kay Jhake.

*****

Saturday na...

May usapan sina Nadine at Razzel na mamamasyal sila sa mall dahil sale ngayon. Bagamat hindi naman sya masyadong mayaman, nakakaipon naman sya ng pambili ng mga pangangailangan nya at mga gusto nya kahit papaano.

Tulad ng napag-usapan, 9:30 am pa lang ay nasa isang fast food chain na ang dalawa. Kumain muna sila bago pumunta sa tindahan ng damit.

"Grabe girl, napadami ata ang pinamili ko... Dalhin muna kaya natin to sa kotse tapos movie tayo... showing na kasi ngayon ang BROMANCE, nakakatawa daw yun... Kelangan natin mapanuod!!!", sabi ni Razzel.

"Hay naku... ang dami mo kasing pinamili... Sige, dalhin na muna natin yan sa kotse mo tapos manuod tayo nyang sinasabi mo.", tugon nya.

Dinala nga nga dalawa ang mga pinamili nila sa kotse ni Raz saka bumalik para magmovie...

After manuod ng movie, nagdecide ng umuwi ang dalawa. Habang asa kotse, kwentuhan ang dalawa about sa movie. Then, kwentuhan ulit tungkol sa secret admirer ni Nadine. Kulitan, tawanan, kilitian... Super masaya ang araw na to para sa kanila. Pero syempre, curious pa din sila kung sino nga talaga ang SECRET ADMIRER ni Nadine.

Pagdating sa bahay, dahil na rin sa pagod, nakatulog na si Nadine. Kinabukasan, time for assignment naman. Ginugol nya ang buong araw sa paggawa ng assignments and projects nya.

Sa dami ng mga ito, naubos ang oras nya at hindi na sya nakapaggala... Oh well, wala syang magagawa, hindi nya nahati ang oras nya dahil sa pag shoshopping nila ni Razzel.

"Hmmmmmmmmmm... Grabe, siguro ganito din ang nararamdaman ngayon ni Razzel! Hay naku!", buntong hininga nya.

*****

Monday na naman...

Puyat na puyat si Nadine... si Razzel din... Haha! Parang nakadrugs ang dalawa, bangag!

Bago pumunta ng classroom, nagpasama muna ulit si Nadine sa locker room... Tulad ng dapat asahan, wala nang regalo sa locker nya. Natakot na siguro na mabuking ang SECRET ADMIRER nya.

"Wala na...wala na Raz...", sabi nya.

"Bakit parang disappointed ka? Sabi mo wala lang yun sayo di ba?", sabi ni Razzel.

"Uhm!", tumango lang sya. "Nakakatawa lang isipin na medyo nasanay na ko na may natatanggap ako araw-araw... Haha! Mas mabuti na rin tong ganito kesa naman nag-iisip ako lagi kung sino talaga sya...", sabi ni Nadine habang nakangiti.

"Ah... Sige, sinabi mo e! Pano? Tara!", pagyayaya ni Razzel.

"Sige!", sagot ni Nadine.

Lumipas naman ang buong araw na hindi nagpaparamdam ang lalaki. Mukhang talagang sumuko na ito... Well, kahit sabihing wala syang pakialam, nalungkot pa din si Nadine... Sumuko agad ito sa kanya...

"Talaga atang hindi sya seryoso sakin... Kung sino man sya, sana magpakilala sya sakin kahit bilang kaibigan lang dahil talagang napapaisip ako kung sino sya... Ang mga sulat nya, napakabait ng approach. Sana kahit maging friends lang kami, sana!", naisip na lang ni Nadine.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon