Nice to meet you---> SOON!

308 7 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas, tuluyan ng nakaget-over si Nadine sa pagkakaroon nya ng SECRET ADMIRER.

Nagfocus na lang ulit sya sa pag-aaral at syempre sa pag-iisip ng strategies para makuha nya ang atensyon ng crush nya.

Magsisimula na ang klase para sa araw na iyon nang sabihin ni Ms. Dela Vega na may iaannounce syang importante.

"Siguro naman ay alam nyo na malapit na ang Pasko. Magkakaroon tayo ng Christmas ball dito sa St. John next week... Maghanda na sana kayo at boys... make sure that you'll have your partners. What i mean is ito na ang time para yayain nyo ang mga girls dito saten.", sabi niya sabay kindat.

Appearan/ High-five ang mga boys. Pagkakataon na nila para maaya ang mga crush nila. Kadalasan kasi, bawal yun sa loob ng school pero dahil christmas ball naman, pwede sila mamili ng kadate nila.

After ng announcement, nagsimula na ang klase... Ilang oras din ang lumipas bago nagrecess.

Magkausap sina Razzel at Nadine habang kumakain.

"Girl, ano sa tingin mo, sino kaya ang yayayain ni Jhake? Sana ikaw!", sabi ni Razzel.

"Raz, alam mo... kinakabahan talaga ako. I really like him pero mukhang wala naman siyang pakialam saken.", sagot ni Nadine.

Nagpatuloy pa ang usapan ng 2 until magbell. Dumiretso na agad sila sa classroom.

Nagklase na ulit sila... After that lunch time naman.

Bago pumunta sa canteen, dumaan muna sina Nadine at Raz sa locker room kung saan nakita nila si Kristoffer na papaalis din galing dun.

Pagbukas ni Nadine ng locker, may nakita ulit syang sulat sa pink na envelope.

Gulat na gulat siya...

"Ra- Razzel! Tingnan mo to... Ito yung katuad ng mga natatanggap ko nung mga nakaraang araw.", sabi nya. "Hindi kaya si Kristoffer ang..."

"Nadine!" Hindi na naituloy pa ni Nadine ang sasabihin. "Wag kang magsalita ng ganyan. Alam ko masama ang umasa pero gusto kong maging masaya ka, kaya sana... sana talaga hindi si Kristoffer ang may bigay nyan kundi si Jhake.", dugtong pa ni Raz.

"Hahaha!", natawa naman si Nadine. "Tama ka Raz, hindi naman tayo siguradong si Kristoffer nga ang secret admirer ko e. Isa pa, kung sya man yun... wala naman akong karapatang madisappoint. Gwapo din naman sya at mabait pa. Kung tutuusin maswerte nga ako kung sya yun.", sabi pa ni Nadine.

After some talk, dumiretso na agad ang dalawa sa canteen. Habang kumakain, binuksan naman nila ang sobre at binasa ang laman.

--->NADINE,

Pasensya ka na kung matagal akong hindi nakasulat sayo. Natakot kasi akong malaman mo ang totoo. Nakakahiya talaga na nahuli mo ako sa akto habang naglalagay ng regalo sa locker mo. Pero...pero natauhan na ako. Next week sa christmas ball, magpapakilala na ako sayo kaya sana...sana pumayag kang maging date ko. Sige, hanggang dito na lang! <3

--->SECRET ADMIRER

"Awww...kakakilig naman. Sino kaya talaga yan?", sabi ni Razzel. "Ano, papayag ka ba na maging date nyan? Paano kung hindi pala si Jhake yan tapos may yayain syang iba? Pano naman kung indianin ka nyan, e di wala kang date...", sabi ni Raz.

"Hindi ko alam Raz... Mahirap magdecide dahil hindi ko naman sya kilala. Isa pa, nalilito ako dahil pakiramdam ko mabait naman sya.", sagot ni Nadine.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Nagring na ang bell. Bumalik na ulit sila sa classroom para tapusin ang klase nila.

My Nerdy GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora