Make-Over Time!!!

340 8 1
                                    

Mahaba-habang panahon din ang ginugol ng buong 3A sa pagpapractice kaya naman masasabing handang-handa na talaga sila para sa event.

Isa-isang tinawag ang bawat section at nagpresent na sila ng kanilang inihandang gawain.

"1A- Singing

1B- Dancing

................

3A- Role playing."

Tinawag na ang 3A. Umakyat lahat sa stage. Kabado sila pero alam nilang pinaghandaan nila ito kaya GO LANG NG GO ang buong section nila.

"Sana wag akong pumalpak... :-/", sabi ni Nadine.

Tinawag na ang karakter niya.

Bigay-todo sa pag-arte si Nadine. Parang walang nanunood sa kanya... Hindi na siya kinakabahan.

"I'm in love with you!", sabi ni Jhake.

Dahan-dahan niya itong nilapitan. Hinawakan niya ang pisngi nito, nakatitig siya sa mga mata nito... Direkta at walang pag-aalinlangan.

"I'm in love with you!", sabi ulit ni Jhake sa tonong medyo pabulong.

Pagkasabi nito, niyakap siya ni Jhake.

"I love you, too. You're my dream boy, my savior and my prince!", malambing na pagkakasabi ni Nadine.

Ngumiti si Jhake. (GWAPO TALAGA)

Then, niyakap nya ulit si Nadine...

THE END---------> (end na ng role play)

Palakpakan ang mga nanunood. Maganda ang ginawa ng 3A. Nakakakilig talaga.

Actually, bagay ang dalawang bida.

Parang nagtransform si Nadine. Hindi na siya isang nerd sa paningin ng lahat... Para siyang prinsesa sa suot nyang soft pink na gown... nakakorona pa siya at walang salamin. Nakakulot din ang dulo ng mahaba niyang buhok.

Si Jhake naman, lalong gumwapo sa suot nyang pangprince charming.

May mga iba pang nagpresent na sunod sa kanila. Mahuhusay silang lahat.

Ilang sandali pa'y natapos na ang palabas. Iniannounce na din ang winner.

"Sa totoo lang, mahirap talagang pumili sa inyong lahat sapagkat all of you deserve to win. Kaya lang, isa lang syempre ang pipiliin. And the winner is...", sabi ng MC.

Kabado ang lahat. Si Nadine at si Raz magkahawak ng kamay, umaasang panalo sila.

"3A!!!!!!", dugtong ng MC.

Palakpakan ang lahat, 3A man o hindi.

Madami din ang lumapit kay Nadine at nagcongratulate sa kanya...

- Ang galing mo palang umacting.

- Ang husay mo.

- Ang ganda mo at ang galing-galing mo pa.

Hindi siya sanay sa ganitong mga papuri. Lalo na yung sabihan siyang MAGANDA. Haha!

Napapahiya na tuloy siya. Wala naman siyang magawa.

"Salamat! Salamat!", sagot niya.

Panay na panay naman ang irap ni Sophia dahil wala man lang bumabati sa kanya. Napansin ito ni Jhake kaya't lumapit ito kay Sophia.

"Congrats! Magaling ka din umacting!", bati nito.

"Salamat Jhake... Ikaw lang ata ang nakapansin.", sagot ni Sophia kay Jhake.

Nasulyapan sila ni Nadine na nag-uusap. Lumakas tuloy ang tibok ng puso nya. Selos ba to?

Nakita ni Sophia na nakatingin si Nadine sa kanila. Alam nitong crush ni Nadine si Jhake dahil halatang-halata naman sa mga kilos nito. Inis na inis talaga siya kay Nadine kaya nagdrama siya sa harap ni Jhake.

May paiyak-iyak pa talaga ito.

Sa awa naman ni Jhake ay niyakap niya si Sophia. (Yakap kaibigan lang)

Kitang-kita ni Nadine ang mga pangyayari.

"Akala ko ba si Sophia ang naghahabol? Sabi saken ni Raz hindi daw pinapansin ni Jhake si Sophia... Bakit ganun?", naisip niya.

Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Patakbo siya umalis sa covered court na kinalalagyan ng stage at tumungo sa restroom.

Iyak siya ng iyak. Walang tigil at parang hindi niya naramdamang nanalo siya dahil (sa pagkakaalam niya) mas gusto pa rin ni Jhake si Sophia sa kabila ng transformation niya.

Ilang saglit pa at lumabas na din siya ng rest room. Pukto ang mata dahil sa pagkakaiyak.

Dahil walang klase, okey lang kahit umalis na siya sa school. Nagpaalam siya sa teacher nila and then umalis na.

Hindi na siya nakapagpaalam kay Razzel kaya naman hinanap siya nito.

"Mam, nakita nyo po ba si Nadine?", tanong nito sa teacher.

"Ah, oo... Nakaalis na kani-kanina lang. Sabi nga saken pakisabi daw sayo na masama pakiramdam nya. Mukhang problemado nga e at umiiyak.", kwento pa nito.

"Ganun po ba? Sige po, salamat. Itetext ko na lang po mamaya.", sabi naman ni Razzel.

Ilang saglit pa at umalis na din si Razzel. Si Jhake naman ay nagpaalam na sa kinocomfort nya na si Sophia. Kuntodo kilig naman si Sophia. Umiyak lang ng konti tapos nakajackpot na. Feeling may gusto sa kanya si Jhake na mabait lang naman talaga.

Samantala, Pagdating ni Nadine sa bahay ay pumunta agad ito sa kwarto nya.

Napansin ng mommy nya na medyo matamlay siya kaya pinuntahan  niya ito sa kwarto at tinanong...

"May problema ka ba Nadine? Medyo matamlay ka ata."

"Wala po ma. Masama lang po ang pakiramdam ko. :(", sagot nito.

"I'm your mother. Kahit itago mo, alam kong may problema ka. Sige na, ikwento mo lang at makikinig ako sayo."

"Ma, pag po ba nainlove ako, magagalit ka?", tanong nito. Seryoso ang mukha nya.

Ngumiti lang ang mommy nya.

"Dalaga na talaga ang anak ko. Sino ba yang maswerteng lalaki na yan?", tanong nito.

"Ma, kaklase ko po pero parang may gusto naman syang iba e. Ma, wala akong laban dun... Maganda, mayaman at talagang sikat sa school.", sumbong niya.

Tumawa ang kanyang ina.

"Hahaha! Anak, ang pag-ibig, wala sa ganda, sa yaman o sa kasikatan. Pag mahal ka e di mahal ka. May mga instances nga na mayaman at mahirap ang nagkakatuluyan di ba? Kahit nga yung maganda at pangit... :)"

"Pero Ma, kasi ano naman bang laban ko e ang panget-panget ko.", sabi niya

"Sino naman may sabi sayo nyan? Pwes kung sino man sya, bulag sya. May diperensya sa mata. Ikaw kaya ang pinakamaganda sa lahat.", pang-eencourage ng ina nya.

"Sinasabi nyo lang po yan kasi mommy kita...", sabi niya sa mommy nya.

"Hindi ah... Pero kung duda ka pa din sa sarili mong kagandahan, sige... Sumama ka sakin bukas at magpapatotal make-over tayo sa salon. Then, magshoshopping tayo. Nakasweldo na naman ang daddy mo e kaya okay lang." sabi nito sabay kindat sa kanya.

"Talaga mommy? Sige po tutal week-end na naman.", sabi nito sabay yakap sa mommy nya.

Total make-over............. Ano kayang magiging itsura ng ating bida.

My Nerdy GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя