Classroom Trouble

591 12 0
                                    

Pagdating ni Sophia sa classroom, umupo agad ito sa unahan. Iyon ang favorite nyang seat dahil madali syang mapansin ng mga teachers.

Pagdating ng teacher nila, tuloy bati agad ang mga estudyante.

"Good Morning Miss Dela Vega!!! :) :) :) "

"Good Morning class... How was your vacation? I hope na nag-enjoy kayo. Siya nga pala, before we start our class, ipapakilala ko sa inyo ang inyong new classmate. Please come in and introduce yourself."

Pumasok naman ang new student. 

"Hi! I'm Nadine Rivera, 14 years old. Nagtransfer ako dito dahil sa work ng Daddy ko. Ipinalipat kasi siya sa isa nilang branch dito. Sana we can all be good friends!!!", sabi nito sabay ngiti.

Nagulat siya ng bigla niyang makita ang masungit na sosyalerang babae na nakabungguan niya kanina. Pinagpawisan siya ng malapot ng makita nyang may vacant seat pa sa tabi nito.

"God!!! Baka dito ako paupuin... Patay talaga ako!!!", naisip niya.

At nagsalita na ang teacher niya... Parang slow motion pa nga ang lahat dahil sa kaba niya...

"Miss Rivera, dun ka na lang maupo sa tabi ni Mr. Jhake Angelo Yamamoto.", sabay turo sa vacant seat sa likuran.

" Ah, eh... Sige po Ma'am...", nakahinga sya ng maluwag ng malaman niyang sa likuran siya mauupo. Buti na lang talaga at hindi sya sa tabi ng masungit na babae mauupo. Napatingin pa siya ulit dito at napansin nito ang muling pag-irap nito sa kanya.

"Ligtas na ako........ sa tingin ko.", naisip ni Nadine at naglakad sa aisle ng mga upuan papuntang likuran. Okey na sana ang lahat ng biglang...

PLAK!!!

Tawanan ang lahat. Nadulas siya habang papunta sa seat niya. 

"Oh my God!!! Are you ok Miss Rivera?", nag-aalalang tanong ng teacher niya.

"I'm okey ma'am. I'm sorry!!!", tugon nito na medyo garalgal ang boses at parang maiiyak na.

"Stupida kasi! Paarte-arte pa ng paglalakad.", naisaisip ni Sophia.

*****

Nakaupo na rin si Nadine sa wakas. Wala na siya sa sarili niya ng mga sumunod na oras. Trouble talaga ang first day niya sa St. John Academy. Gwapo pa naman ang katabi nya kaso bad shot agad dahil sa pagiging clumsy nya. Hay!!!

*****

After the class, kinuha na niya ang bike nya sa parking area.

"Hay naku!!! Grabe talaga ang araw na ito... Buti na lang at uwian na..."

Habang inilalabas ang bike sa gate, nakasalubong naman niya si Jhake kasabay ang masungit na si Sophia. Magkahawak ang kamay ng dalawa...

"Shit!!! Sila kaya? Sana hindi...", naisip na lang niya.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon