JS Prom

209 3 1
                                    

February 14 ---> JS Prom

Di tulad ng inaasahan ng lahat, magkadate sina Sophia at Jhake. Maganda si Sophia, noon pa man bagamat may pagkamaarte ito. Bagay sila ni Jhake na gwapo namang talaga.

Dahil sila ang magkadate, marami tuloy ang nagduda kung nabasted ba ni Nadine si Jhake. Alam kasi nilang nanliligaw ito kay Nadine at wala itong interes sa mga tulad ni Sophia na medyo sosyal.

Nagsisimula na ang sayawan nang dumating sina Nadine at Razzel. Pareho silang walang date kaya sila na lang ang magkasabay pumunta sa venue.

Nakita nilang nagsasayaw sina Jhake at Sophia. Medyo selos si Nadine kaya nagdecide na lang sya na maupo sa isang tabi. Si Raz naman ay nagsayaw kasama ang ibang boys na wala ding mga kadate.

Masayang-masaya si Sophia kahit alam nyang pasulyap-sulyap pa din si Jhake kay Nadine. At least, sya ang kasayaw ni Jhake at hindi si Nadine.

Samantala, napansin naman ni Kristoffer na nakaupo lang si NAdine sa isang tabi kaya nilapitan sya nito.

"May I have this dance?", tanong ni Kristoffer habang nakalahad ang palad para abutin si Nadine.

"Ah...ano kasi...", nagdadalawang isip pa si Nadine.

Napatingin sya kina Jhake at Sophia.

"Sige na nga!", sabi nya sabay abot ng kamay kay Kristoffer.

Nagplay ang sweet music. Selos si Jhake na pasulyap-sulyap pa din kay Nadine kahit si Sophia ang kasayaw nya.

Naramdaman naman ni Sophia ang panlalamig sa kanya ni Jhake kaya nagsalita ito habang nagsasayaw sila ng sweet. Gusto nyang ipakita dito na hindi sya gusto ni Nadine.

"Tingnan mo sina Nadine at Kristoffer, bagay na bagay sila noh?! Mukha pang crush sya ni Nadine dahil sya lang ang nakapagpapayag sa kanya para sumayaw.", sabi ni Sophia kay Jhake.

Napayuko naman si Jhake bago sumagot.

"Mukha nga...", sagot nya.

Napangiti naman si Sophia at inenjoy lang ang sandali. Maya-maya pa'y mas naging sweet ang tugtog. Halos magkayakap na ang mga nagsasayaw kaya lalong nagselos si Jhake kina Nadine at Kristoffer.

"Talaga bang nananadya na 'to?", tanong nya sa sarili.

Dahil dito, may naisip syang isang mabigat na desisyon. Bagamat alam nyang maaaring masaktan si Sophia, gusto nyang sumugal para mapaamin si Nadine.

"Sophia...", sabi ni Jhake.

"Bakit?", tanong naman ni Sophia.

"Pwede ba akong manligaw sayo?", tanong ni Jhake.

Hindi maintindihan ni Sophia kung bakit biglaan ang pagsasabi sa kanya ni Jhake na manliligaw ito.

Ganunpaman, masaya sya tungkol dito kaya mabilis ang naging pagsagot nya.

"Yes! Yes Jhake, pumapayag ako...", sabi ni Sophia.

Ngumiti naman si Jhake na nabigla nang yakapin sya ni Sophia.

Nakatingin naman sa kanila si Nadine.

Nang natapos ang sayawan, kainan naman. Enjoy na enjoy ang lahat although iniisip pa din ni Nadine ang pagyayakapan ng dalawa.

Ilang saglit pa at iniannounce na ang Prom King and Queen.

"Congratulations to our Prom King... Jhake Angelo Yamamoto!", sabi ni Ms. Dela Vega na isa sa mga MC.

"And also to our Prom Queen... Nadine Rivera!", sabi naman ni Ms. Ruiz.

Inis na naman si Sophia. Hindi sya ang prom queen.

"May we ask the two to come here in front.", sabi ng mga MCs para makoronohan ang dalawa at magrequest ng sayaw mula sa dalawa.

Nagsayaw nga ang dalawa pero hindi sila nag-iimikan.

After ng coronation, end of the program na. Ihahatid sana ni Jhake si Sophia pero dumating na ang sundo nito kaya hindi sya nakasabay sa manliligaw.

"Sure ka ba na hindi ka na magpapahatid sakin?", tanong ni Jhake.

"Ah...oo, salamat!", sabi ni Sophia.

Kitang-kita sila ni Nadine.

"Wag mo na lang pansinin...", sabi ni Raz.

"Ha? Hindi ah...hindi ko naman sila pinapansin!", tanggi naman ni Nadine.

After several hours, naghanda na silang umalis dahil dumating na din ang sundo nila ni Raz. Bago sila umalis, lumapit pa sa kanila si Sophia.

"Raz! Nadz!", bati nito.

"Sophia, may kelangan ka ba?", sabi naman ni Nadine.

Umiling ito.

"Wala naman. Gusto ko lang ibalita sa inyo ang good news. Syempre, friends ko kayo e.", sabi nito.

Nagtaka naman ang dalawa.

"Ano'ng good news?", tanong ni Raz.

Napangiti si Sophia. Gusto nyang inggitin si Nadine.

"Si Jhake...", sabi ni Sophia na pabitin mode pa.

"Anong meron kay Jhake?", tanong ni Nadine.

"Kasi sabi nya, he likes to court me!!! Syempre, gusto ko naman sya e kaya pumayag akong magpaligaw!", sabi ni Sophia na masayang-masaya.

Napayuko naman si Nadine habang nagsalita naman si Raz.

"Bakit? Bakit ka nya liligawan? Di ba nanliligaw yun kay Nadine?", tanong ni Raz.

Sumabat naman si Nadine.

"Hindi... hindi sya nanliligaw sakin.", sabi nya.

Hinawakan nya ang kamay ni Sophia at ngumiti.

"I'm happy for you! Sana maging kayo na... I wish you happiness!", sabi pa nya.

"Salamat!", sabi ni Sophia at saka nagpaalam para sumakay na sa kotse nya.

Samantala, sumakay na din sina Nadine at Raz sa kotse ni Raz at umuwi.

My Nerdy GirlfriendWhere stories live. Discover now