heART exhibit

206 3 0
                                    

Days passed...

Natapos na ni Nadine ang report nya at naipasa na rin nya ito. Maganda naman ang kinalabasan ng lahat dahil na rin sa ganda ng napili nyang novel.

February 6---> Arts Exhibit...

Nakatingin si Jhake sa isang artwork na nakadisplay sa unahan. Medyo malungkot ang theme nito, pati ang mga kulay na ginamit. Talagang kitang-kita ang pagbubuhos ng artist ng kanyang damdamin sa ginawa nyang painting.

Samantala, kasama naman ni Sophia ang mga sosyal nyang friends from other section. Hindi pa kasi dumadating si Nadine kaya hindi nya kelangang makipagplastikan dito.

Habang naglilibot sa napakalaking display room, nakita nya si Jhake kaya nagpaalam muna sa mga friends nya si Sophia para lapitan si Jhake.

"Girls, si Jhake! Excuse me lang ha, lalapitan ko lang sya.", sabi ni Sophia.

"Ah, yeah... sure! Don't worry about us!", sagot ng isa nyang kasama.

Ngumiti naman si Sophia at saka umalis.

Hindi napansin ni Jhake ang paglapit nya kaya nakakuha sya ng magandang tyempo para takpan ang mga mata nito at pahulaan kung sino sya.

Nakapwesto si Sophia sa likod ni Jhake at nakatakip ang mga kamay sa mata ng binata.

"Nadine?", sabi ni Jhake habang nakangiti.

Akala ni Jhake ay si Nadine ang nagtakip ng mata nya.

Inis namang binitiwan ni Sophia ang mata ni Jhake.

Humarap sa kanya si Jhake at nabigla.

"Hindi. Si Sophia 'to Jhake. Sorry! Naistorbo kita.", malungkot na sabi ni Sophia at saka tumalikod para umalis.

Napahiya naman si Jhake kaya hinabol nya ito. Pinigilan nya ito sa braso, parang yung sa mga telenovela lang ang eksena ng dalawa.

"Sorry!", sabi ni Jhake.

Umiling naman si Sophia na medyo maluha-luha na.

"Ah, hindi. Wag kang magsorry, kasalanan ko naman e. Di ko dapat ginawa yun. Hindi naman ako si Nadine di ba?!", sabi nya kay Jhake at saka inalis ang pagkakahawak nito sa braso niya.

Tuluyan na itong lumabas sa display room. Parang Queen of Walk-outs lang ang peg ni Sophia.

Samantala, saktong papasok naman si Nadine at nakasalubong nya ang papalabas na si Sophia.

"Sophia!", bati nya dito.

Dire-diretso lang naman sa pag-alis si Sophia at binalewala ang tawag ni Nadine.

"Ano kayang nangyari dun? Bakit di na naman ako pinansin? Hmmm... Siguro, di nya lang ako napakinig...", sabi nya sa sarili.

Pumasok na si Nadine sa DR at nakita nya dito si Jhake. Yumuko lang si Nadine bilang pag-iwas dito.

Tumingin-tingin muna siya ng mga displays habang hinihintay si Razzel.

Ilang saglit pa at dumating na si Razzel. Saktong-sakto lang para sa pagsisimula ng program.

"Raz, grabe... Late ka na!", sabi ni Nadine sa kaibigan.

"Oo nga e. Nagpagas pa kasi kami ng kotse e, natraffic kami.", sabi ni Raz.

"Ah... Ganun ba? Kala ko hindi ka na pupunta e.", sabi ni Nadine.

"No, no, no, no! Alam kong madaming boys na taga-ibang school ang dadating. Malay mo, isa sa kanila ang aking magiging Prince Charming! Hindi ko pwedeng palampasin ang ganitong pagkakataon...", sabi ni Raz na seryosong-seryoso.

Natawa lang naman si Nadine sa sinabi nito.

"Haha! Ikaw talaga! Maupo na nga tayo.", sabi ni Nadine.

Habang nagaganap ang program, dumating naman si Sophia. Hindi ito naupo sa tabi nina Raz at Nadine. Sa halip, mag-isa syang naupo sa likuran.

Nakita sya nina Nadine at Raz. Tumayo si Nadine upang tawagan sana si Sophia ngunit nakita nyang papalapit dito si Jhake. Naupo ito sa tabi ni Sophia at nakipag-usap dito.

Nabigla si Nadine sa nakita. Napayuko siya, maluha-luha ang mga mata. Hindi na nya natawagan pa si Sophia, naupo na ulit siya sa tabi ni Raz. <//3

"Bakit di mo tinawagan?", tanong ni Razzel na ang tinutukoy ay si Sophia.

"Wag na... wag na natin silang istorbohin.", sabi ni Nadine na bagamat ngumiti kay Raz ay halata naman ang lungkot sa mga mata.

Wala namang nagawa si Raz na napatingin na lang sa likuran at saka ulit  humarap para ituloy ang pakikinig sa program. Alam nyang may itinatago sa kanya si Nadine pero hindi na nya ito pinilit pang magsabi sa kanya.

Hihintayin na lang nya na kusa itong mag-open up sa kanya.

My Nerdy GirlfriendWhere stories live. Discover now