Case 20.1 - Dating the Detective

Start from the beginning
                                    

Lumabas ako ng dressing room at naglakad papunta sa taping area namin.

I'm wearing an off shoulder elegant black dress with red laces and a pair of high-heeled black semi boots. Feel na feel ko talaga ang paglakad kahit walang tao sa paligid.

Hmm, strange.. where in the world they are?

Napahinto ako. Sobrang dilim kasi sa labas. Niyuko ko ang hawak kong script, hindi naman pala ako namali ng pinuntahang setting, eh nasaan sila?!

Ang setting kasi sa script ay classy casual na party sa isang open area, kung saan makikilala ko ang leading actor ko sa storya.

Tatalikod na sana ako para kuhanin ang cellphone ko at tawagan si Crisostomo, nang biglang lumiwanag ang paligid.

Awtomatikong naglakad palabas ang paa ko. Mga bituin ang nagpapaliwanag sa lugar, mga bituing nasa damuhan.

They twinkle like real stars. Yumuko ako para hawakan sila. Para patunayan sa sarili kong hindi ito panaginip.

But when the tip of my index finger was about to touch the star, petals of tulips started falling.

 

Tumayo ako ng tuwid at tumingala. Napangiti na lang ako dahil parang alam ko na kung sino ang may pakana nito. Hindi ko kailanman pagsisisihan na siya ang lalaking pinili ko.

Noong maramdaman kong nasa likod ko na siya, lumingon ako.

Kiel looked stunningly handsome on his black tuxedo and red neck tie. On his hand is a boquet of tulips. And that smile he's wearing right now is what suits him well.

He walks slowly towards me.

"I missed you."

Napangiti ako, paano ba naman kanina lang kami huling nagkita tapos na-miss na niya ako agad?

  

Sasagot sana ako, kaya lang naunahan ako ng sigawan. Noon ko lang napansin na madami pala kaming audience.

"With all these stars, you shines the most. And in the presence of their light, I want to ask you out tonight." he said as he handed me the tulips.

"You're really the best director for making all of this just to ask your girlfriend for a date." I seriously replied.

Sabi niya may bago siyang project kaya hindi niya ako masusundo, pero heto at pangalawang beses na niyang kinukuntiyaba ang kasalukuyang direktor ng show ko para lang sorpresahin ako.

"Let's go?"

"May taping pa."

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Where stories live. Discover now