Chapter 44

115 5 0
                                    

MULING nakarating si Anette sa Calomotan Beach kasama si LJ, Myla at Candy. Sabi ni Myla ay inimbitahan daw sila ng buyer ng property sa house blessing nito. Dahil sabik rin si LJ na magbeach ay pumayag si Anette. After all, binili ng mag-asawa ang property ng doble sa market value nito, lalo na nang malamang sa foundation mapupunta ang buong pinagbilhan.

Sa laot pa lang ay halos mapanganga si Anette. Nakita niya ang dating pagmamay-ari na fully developed na. And that's how exactly she wanted it to be.

Napansin ni Myla ang pagkamangha sa mukha ng kasama. "Ma'am, hiningi ng mag-asawa ang original architecture plan. Nagustuhan nila ang plano kaya tinuloy-tuloy na nila ang pagpapagawa ng bahay."

Tumango si Anette. "M-maganda..." Tinapos niya ang salita ng may buntong-hininga.

Nang makarating sa pampang ay agad na nagtampisaw si LJ. Gustong-gusto nito ang buhangin at tubig-dagat. "Mom, can I stay here?"

"Ako na po ang magbabantay kay LJ. Kapag nagsawa na si kulit, susunod na lang po kami sa loob" Sabi ni Myla, habang kapit-kamay ang naglalarong bata.

Pumayag si Anette. "Be careful, LJ!" Paalala niya bago tumuloy papasok sa bagong tayong bahay kasama si Candy.

Sinalubong sila ng isang kasambahay papasok sa rest house. Pero hindi pa man nakakaupo ay nakatanggap ng tawag ang kasama.

"Hello? Hello?" Mukhang nagkakaproblema si Candy na makipagusap sa kabilang linya dahil sa reception. "Ma'am Anette, hahanap lang po ako ng signal sandali" Paalam nito.

Habang naghihintay sa kasama ay nilibot ni Anette ang paningin sa loob ng bahay. She cannot believe her eyes sa nakikita. It's her dream rest house! Pati ang interior design nito ay kuhang-kuha ang taste niya.

"Miss Anette Ng?" Isang pamilyar na boses ang bumati sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Anette. "K-kiel?"

Ngumiti ang lalaki. "It's been a long time. How are you?"

Nanibago si Anette. Hindi lang dahil mukhang fluent na itong magsalita ng ingles, kundi ang tindig at porma ng kaharap ay may tikas ng isang... Milyonaryo? Si Kiel kaya ang may-ari ng bahay?

"I'm good." Tugon ni Anette. "Wow, look at you. Uhm, you know the owner?"

"Did you like it? I mean, the house."

"Love it... So... You own the place?" Paninigurado ng babae.

Ngumiti muli si Kiel. "Hindi ba halata?" Biro nito.

Nagpakawala ng isang mahinang tawa si Anette. It could be a courteous laugh for Kiel's joke. Or it could also be a painful laugh at destiny's gag.

"Oh, there you are Mr. Sembrano!" Bati ni Candy. "Have you met Ms. Anette Ng?"

"Yeah. Ang sarap na nga ng kwentuhan namin bago ka dumating" Pang-aasar ni Kiel.

"Ikaw talaga Sir Kiel! Ang kulit-kulit mo. Kaya tuloy hindi kapani-paniwala na milyonaryo ka"

Tahimik lang si Anette na pinapanood ang dalawang kasama na magbiruan. Apat na taon ang lumipas. Kiel looks and speaks differently. Pero parang siya pa rin si Kiel na una niyang nakilala, na una niyang minahal... na hanggang sa ngayon ay mahal pa rin niya. Her heart burdened. Kung siya nga ang may-ari ng bahay, then he must be married. Ang sabi ni Candy ay mag-asawa ang buyer niya. Ano kaya ang itsura ng asawa nito?

Isang matandang babae ang lumabas galing sa kusina. "Hello Candy, kamusta na?"

"Hello, Ma'am Consuelo. Ipapakilala ko po kayo sa dating may-ari ng bahay. Si Ma'am Anette Ng."

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now