Chapter 8

78 5 0
                                    

ANETTE found herself in a bar, finishing her third round of tequila. Hindi siya kumportable sa lugar na maraming tao, kaya pilit niyang inaliw ang sarili sa pag-inom ng alak.

"Hi." Isang lalaki ang biglang umupo sa tabi nya. "You look really familiar. I think we've met before..."

Kung maririning sila ng iba ay iisipin na pick up line lang iyon. Pero alam ni Anette na seryoso ang lalaki. Naging kaklase niya ito noong highschool. Siguro hindi na nila matandaan ang pangalan ng isa't isa dahil isang taon lang naman siya sa eskwelahang iyon.

"Uhm... I don't think so." Pagsisinungaling ni Anette. Inabot niya ang pang-apat na baso ng alak at inubos iyon ng isang lagukan. Napapikit ang dalaga sa init na dumaloy sa lalamunan niya at dibdib. Hindi na rin niya napigilan ang maubo, kahit hindi naman siya nasamid.

"Are you okay?" Tanong ng lalaki.

"Excuse me, I have to go." Nagmamadaling lumabas ng bar si Anette, bago pa man sya tuluyang makilala ng kausap.

She can't hook up with someone she knows. Ayaw niya ng komplikasyon. Iyon ang tumatakbo sa utak ni Anette habang naglalakad sa kahabaan ng Remedios sa Malate. Noon niya napansin ang isang babae at isang lalaki na nag-uusap. Mukhang nagtatawaran ng presyo. Pagkatapos magkasundo ay magkahawak-kamay na naglakad palayo. Nainggit si Anette sa mga hagikgikan ng magkapares. Ganoon lang ba kadali ang maging masaya?

"Excuse me, miss..." Isang lalaki ang lumapit kay Anette mula sa likuran nya. Gwapo ito. Wavy ang buhok na pinasunod ng gel. Bilugan ang mata. Hindi katangusan ang ilong, pero bumawi naman sa ganda ng labi. Maputi. Makinis. Mabango. Gusto ni Anette ang amoy ng cologne niya. Typical lang ang porma. Maong pants at rubber shoes na tinernuhan ng asul na t-shirt. Pero dahil sa pagdadala nito, nagmukha siyang artista.

Anette cleared her throat before she asked. "M-magkano?"

Halatang nagulat ang lalaki. Pero nakuha pa rin nitong ngumiti. Agad na napansin ni Anette ang maganda nitong mga ngipin.

Nakatitig lang sa kaniya ang lalaki, kaya nagdalawang-isip si Anette. Mukhang nagkamali ito ng pagkilatis. Nahiya siya sa sarili, lalo na sa napagkamalan. Aalis na sana siya nang bigla sumagot ang kausap.

"Limang libo."

"Five thousand?" Pag-ulit ni Anette. Hindi dahil namamahalan siya, kundi dahil hindi na niya alam kung paano magpapatuloy mula sa puntong iyon.

"Sa kalidad ko, mura na yun. Garantisadong malinis ako. Mga kliyente ko, high end. Hindi basta basta."

"O-okay..." Madaling nakumbinse ang dalaga. "Paano ba?..." Tanong nito. Halatang inosente sa ganung klaseng transaksyon, kaya ito kabado.

"May lugar ka ba? Sa condo mo? O motel?"

Umiling si Anette. Pasimple itong luminga sa paligid. Habang tumatagal ang kanilang paguusap, nagsisimula siyang mag-alala na may makakilala sa kaniya.

"Magkano ba budget mo sa motel? Merong dalawang daan lang, short time..."

"Dalawang daan? Safe ba dun?"

"Basta ako kasama mo, safe ka..." Tumawa ang lalaki sa sariling joke, pero nanatiling seryoso ang mukha ng dalaga.

Pagpayag na lang niya ang kulang, and her bridal shower is set. Pero bigla siyang nagdalawang isip.

"S-sige, di bale na lang... Thank you." Agad na tumalikod si Anette. I can't do this...

"Miss! Miss! Sandali!" Sinundan siya ng lalaki. "Pwede naman tayong lumibot dito para makapamili ka ng magandang hotel, yung pasok sa taste mo..."

Hindi alam ng lalaki na hindi lugar ang bumabagabag kay Anette. "Never mind... thank you na lang..."

"Teka, sandali! Bibigyan kita ng discount!" Ayaw pa ring magpatinag ng call boy. Panay pa rin ang sunod nito sa dalaga.

Huminto si Anette nang harangin siya ng lalaki sa paglalakad. "Ano? Game na tayo?" Nakangiting tanong nito.

How can he smile like he's really happy? Napatanong ang dalaga sa sarili.

"Ano, miss? Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka." Pilyong sabi ng kausap, sabay kindat.

Sandali pang nag-isip si Anette. "Magiging masaya ba talaga ako?"

"Garantisado!"

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now