Chapter 21

62 3 0
                                    

Puno ang schedule ni Anette nang araw na iyon. Pagkatapos ng meeting niya sa opisina ay tumuloy agad siya sa ospital para makipag-usap sa mga Oncologists ng PGH. Pagkabisita naman kay Patient #8 ay nagpaunlak siya bilang resource speaker ng cryonics sa UP Diliman. Pasado alas-tres na ng hapon nang matapos ang speaking engagement niyang iyon.

Pagpasok sa kotse ay sumandal agad si Anette sa backseat at pumikit. Noon lang niya naramdaman ang pagod at hapdi ng tiyan.

"Hapon na. Kumain ka na ba?" Tanong ni Kiel.

"Hindi pa nga. Actually, sobrang nagugutom na ako." Sagot ni Anette na nakapikit pa rin.

"Ay, boss!" Alanganing wika ni Kiel.

Dumilat si Anette na siya namang paglingon ng binata mula sa driver's seat. "Hello Jessa. Ay sorry, Lisa pala. Tatawag na lang ulit ako. Kumain ka na. Wag kang papagutom. Bye."

Muling napapikit si Anette. Bukod sa pinaghalong pagod at gutom, nakadagdag sa bigat ng pakiramdam niya ang pagkapahiya. Napakagat na lang sya ng labi nya. My goodness! How do I redeem myself from this?

"Ayos itong headset na bigay ni boss Lawrence." Rinig ni Anette si Kiel na magpaliwanag, pero hindi na niya ito nagawang tignan. Hindi niya kayang harapin ang kahihiyan. "Gutom ka ba, boss? May alam akong kainan dito sa UP na mabilis ang service, busog ka agad."

Anette finally managed to open her eyes. "G-ganun ba?"

"Puntahan natin, gusto mo?"

"Ok. Sige." Sa puntong iyon, kahit ano yata ang sabihin ni Kiel ay papayag si Anette, maibaon lang ang kaniyang moment of shame sa limot.

Nagpark sila sa isang bakanteng lote sa harap ng Kalayaan Residence Hall. Dinala ng lalaki si Anette sa isang stall ng ihawan.

"Ano'ng gusto mo, isaw o atay?"

"Barbecue na lang."

"Upo ka lang dyan boss. Sandali lang ito."

Puno ng mga tao ang lugar kaya nanatiling nakatayo sa isang sulok si Anette. Nakita niyang marami ang parokyano ng ihawang iyon na may karatulang 'Mang Larry Isawan'. Hindi lang mga estudyante ang nandun, pati mga propesor at empleyado. Ang problema, hindi siya kumakain ng street food. Minsan na kasi siyang nagkasakit nang kumain ng kwek-kwek sa kalsada.

Tinignan niya si Kiel. Mukhang excited ito sa mga inorder. Noon lang niya nagawang pagmasdan ng mabuti ang binata simula nang maging driver nya ito. Naka-polo barong at naka-slacks ang lalaki, ang dress code na bilin ni Lawrence. Malayong-malayo sa itsura niya noong gabing ma-pick up niya ito sa Malate. Sumagi sa isip ni Anette kung suma-sideline pa rin kaya ito sa lugar na iyon?

Ilang sandali pa ay nilapitan na siya ng driver na may dalang napakaraming stick ng inihaw at dalawang plastic cup ng shake.

"Wala na pala tayong maupuan dito..." Luminga-linga si Kiel. "Ayun!"

Sinundan ni Anette ang binata sa bakanteng lote na pinagparadahan nila. Umupo ang driver sa isang malaking troso. Nag-alangan man noong una ay sinamahan na rin ng babae ang binata sa pagkakaupo roon.

"Masarap to, garantisado!" Nakangiting inabot ni Kiel ang magkabilang kamay hawak ang mga pagkain at inumin. Pero si Anette, masama ang tingin.

"Barbecue ang inorder ko. Ano ba yan?"

"Mas masarap ito, boss. Kunin mo na."

Nagdalawang isip si Anette. Bukod sa ayaw na niyang makasagap ng sakit, hindi niya gusto ang isaw noon pa.

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now