Chapter 7

94 4 0
                                    

KASAL na ni Anette bukas. Pero pasado alas siete na ay nagtatrabaho pa rin sya. Sa susunod na linggo ay lilipat na ang grupo niya sa state of the art lab ng SYNerGy Pharma, kaya inaayos na niya ang lahat ng kakailanganin sa paglipat.

Sumagi sa isip niya paano kaya kung sinuko na lang nya ang daddy sa cancer? Kakayanin ba niyang mamuhay na lang ng normal? Makaka-move on ba siya? Malamang na hindi. Ang nakakapagpagaan sa loob niya sa araw-araw ay ang pag-asang balang araw ay mabubuhay uli ang daddy niya, at hindi na siya mag-iisa.

Naitanong rin ni Anette sa sarili kung bakit ba hindi na lang siya naging normal na babae. Siguro kung nagkataon, excited pa siyang makasal sa isang guwapong bilyonaryo na tulad ni Lawrence.

Anette sighed. Paano kaya kung nagkaron siya ng bestfriend? Siguro ay maghahanda iyon ng bridal shower para sa kaniya. Magiging masaya kaya siya? Siguro hindi siya lalamunin ng matinding lungkot na gaya ng nararamdaman niya ngayon. Siguro.

Tinapik ni Anette ang sariling mukha. Get over it! Stop thinking about your what ifs! Okay ka lang, Anette. You're okay being alone. You are comfortable in your own space. In fact, you can celebrate by yourself and still enjoy it.

Pinilit ni Anette na paniwalain ang sarili na excited siya. Tama! I will throw myself a bridal shower. After all, this is my last night as a single lady.

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon