Chapter 39

53 4 0
                                    

ILANG araw pang nagkulong si Anette sa silid na tinataguan. Napilitan lang siyang lumabas nang may mga awtoridad ang biglang bumisita sa bahay nila.

"Mrs. Anette Ng, tungkol po ito sa asawa ninyong si Mr. Lawrence Ng." Paliwanag ng naka-unipormeng pulis.

"Wala dito ang asawa ko. Ano bang problema?" Tanong ni Anette, puno ng pagtataka.

"Wag po sana kanyong mabibigla misis. Pero bumagsak po ang sinasakyang chopper ni Mr. Ng sa Dagat Sibuyan nitong umaga. Natagpuan na po ang labi ng pilotong nagpalipad ng helicopter. Pero hanggang sa mga oras na ito, hindi pa po nakikita ang asawa ninyo."

Tulala si Anette habang kinakausap ng mga pulis. Hindi na niya naiintindihan ang iba pang sinasabi ng mga ito. Napapikit na lang ang babae at napaluha. God, please. Don't let this happen. Please save my husband. 

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon