Chapter 16

63 5 0
                                    

DALAWANG buwan pagkatapos manganak ay bumalik na ulit sa pagtatrabaho si Anette. Sinalubong agad siya ng magandang balita. Their Patient #7 is in partial remission, two weeks matapos inumin ang kanilang re-engineered nano-pill. Base sa huling laboratory tests nito, nabawasan ng halos kalahati ang cancer cells ng pasyente.

Naisip ni Anette na umakyat sa board room para personal na ipaalam sa mga executives ang magandang balita. Sinilip niya ang board meeting, pero nakakapagtakang wala doon ang asawa. Nagbago ang isip niya. Hindi na lang siya magrereport sa Board kung wala ang asawa. Kahit matagal nang kasal ay hindi pa rin siya natatanggap ng angkan kaya hindi siya kumportableng makisalamuha sa mga ito.

Pabalik na sana ng laboratory si Anette nang mapansing may tao sa kabilang conference room. Pasimple siyang sumilip sa nakauwang na pinto.

"Don't you dare bargain with me!" Napaatras si Anette nang marinig ang malaking boses ni Lawrence habang nakatungo lang ang kausap. "You know that I can – " Tila nakaramdam, tumigil sa pagsasalita ang asawa at napatingin sa pintuan. "Anette? Is that you?"

"H-hi. I'm sorry." Paumanhin ng napahiyang babae. "May sasabihin sana ako. Pero mukhang... uhm.. hihintayin na lang kita sa office mo."

"Kanina ka pa ba dyan?" Naningkit ang mga mata ni Lawrence, halatang mainit ang ulo.

"H-hindi naman. Sorry talaga. I was just – " Natigilan si Anette nang makita kung sino ang kausap ng asawa.

"That's Kiel. Do you remember him?"

Natulala si Anette. Kinabahan siya sa tanong ng asawa. Of course I remember him!

Hindi na hinintay ni Lawrence ang sagot ng babae. He continued. "Pinag-uusapan namin ang trabahong inaalok ko. He's going to be your driver."

"What??!!! Are you kidding me?!" Maging si Anette ay nagulat sa taas at lakas ng sariling boses. "No way!"

"What's wrong?" Usisa ni Lawrence, bakas ang pagtataka sa mukha.

"I don't need a driver! Andyan naman si Mang Greg. I don't need another one!"

"Yes you do. May mga kaniya-kaniya tayong lakad. Mang Greg will be driving for me, at magiging busy ako sa mga susunod na buwan . So you really need your own driver."

"I am not taking him, Lawrence!"

"It's just like an extra employee. Why are you overreacting? Ano ba talagang problema?"

Tinignan ng masama ni Anette si Kiel na noon ay pinapanood lang ang mag-asawa na nagtatalo. "I said I don't need a driver. I can drive on my own."

"I said you do. End of discussion. Bakit mo nga ba ako hinahanap? Pwede mo naman akong tawagan sa cellphone." Hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ni Lawrence. Ayaw nitong padaig sa tantrum ng asawa.

"Nothing. Nawalan na ako ng gana." Parang batang talunan, padabog na lumabas ng silid si Anette.

"Anette! Anette, come back here!"

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now