Chapter 4

103 6 0
                                    

"WELCOME to Alcor Life Extension Foundation" Sinalubong sina Anette at Lawrence ng Amerikanong tauhan ng facility. "My name is Jacob. I understand that you have an arrangement to visit patient A-5890."

Nanlalamig ang buong katawan ni Anette, pero ang noo niya ay pinagpapawisan ng butil-butil. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakarating siya sa lugar kung saan nananatili ang ama niya sa nakaraang dalawang taon. Dalawang taon... masyado pa palang maigsi ang oras na iyon para kay Anette. Hindi pa rin pinahupa ng panahon ang lungkot at sakit sa puso niya. Lalo pa nga siyang nangulila sa ama.

Nagulat si Anette nang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Agad inalis ng dalaga ang pagkakakapit ng binata. "I'm okay." Pabulong na tanggi ni Anette. Alam nyang kind gesture lang iyon ng lalaki to comfort her, lalo at hirap siyang itago ang emosyon nang mga sandaling iyon. Pero hindi sanay si Anette na may ibang taong humahawak sa kanya.

"Can we now proceed to the Patient Care Bay?" Tanong ni Lawrence kay Jacob.

Pasimpleng pinunasan ni Anette ang nakawalang luha sa pisngi niya habang sinusundan nila si Jacob papunta sa kinaroroonan ng daddy niya.

"This is the Patient Care Bay. Inside is A-5890." Wika ng Amerikano. Mula sa viewing window nito ay tinanaw ni Anette ang loob ng kuwarto.

"C-can we go inside?" Tanong ng dalaga. Halata ang panginginig ng boses nito.

"Are you sure you're ok?" Paninigurado ni Lawrence.

"Gusto ko lang lapitan si daddy, please!"

Tumango si Lawrence kay Jacob para kumpirmahin ang kagustuhan ni Anette. Nilabas ng Amerikano ang isang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang steel door ng kuwarto.

"These are the vacuum-insulated dewars" Paliwanag ni Jacob habang naglalakad sa pagitan ng mga nakahelerang aluminum capsules. "And this is where A-5890 is stored."

Huminto sila Anette at Lawrence sa tapat ng kapsula na tinutukoy ni Jacob. Agad niyakap ni Anette ng mahigpit ang higanteng container. Gusto niyang iparinig sa ama ang tibok ng kanyang puso.

"Daddy, nandito ako... Naririnig mo ba ako? Daddy... Kaka-graduate ko lang sa Princeton." Parang batang paslit si Anette na nagkukwento sa ama habang humihikbi. "Marami akong plano na makakatulong sayo. Ibabalik kita, daddy. Hintayin mo. Bibilisan ko ang paghahanap ng gamot sa lecheng cancer na yan."

Dito sa Alcor Life Extension Foundation nakapreserba ang katawan ni A-5890, o mas kilala sa pangalang Engr. Armando Costales. Nang madeklarang clinically dead ang matanda ay sumailalim ito sa cryonic preservation. Liquid nitrogen ang isa sa mga kemikal na ginamit para ang buong katawan at organs ng matanda ay magyelo at hindi maagnas. Tulad ng mga naniniwala sa prosesong ito, umaasa si Anette na balang araw ay magagamot ang sakit ng namayapang ama at mabubuhay uli ito sa pamamagitan ng Science and Technology.

Hindi tumahan si Anette hanggang sa magsalita si Lawrence. "Engr. Costales ..." Nakatingin ang binata sa kapsulang yakap pa rin ng dalaga. "Binisita po namin kayo dahil gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak nyo..."

"How dare you, Lawrence?!" Kahit si Anette ay nagulat sa sarili. Tinawag niya ang bilyonaryong si Lawrence Ng by his first name, pasigaw at may halo pang poot!

Hindi naman pinansin ng binata ang pag-aalburuto ng babae, kundi lalo pa itong nang-asar. "Mukha pong pinalaki ninyong spoiled brat itong anak ninyo."

Ang kaninang umiiyak na si Anette ay halata na ang pagkapikon kay Lawrence.

Nagpatuloy pa rin ang binata sa pakikipag-usap sa kapsula. "I understand she's daddy's girl. Wag po kayong mag-alala. I will take good care of her. Pangako ko po iyan sainyo."

Huminto sa pagsasalita si Lawrence. Naghihintay ito ng reaksyon galing sa dalaga. Pero nanatiling nakatikom ang bibig ni Anette sa panggigigil.

"You have a very intelligent daughter, Engr. Costales." Muli na namang nagsalita si Lawrence. "Excited nga po ako sa cancer cure research na pinagkakaabalahan niya. I know it's for you and I am very supportive. It's up to her if..." Lawrence deliberately cut his sentence short.

Kung nakamamatay lang ang matalim na pagkakatitig ay baka bumulagta na si Lawrence. You're a monster in disguise, Lawrence Ng. I hate you! Anette yelled at Lawrence. Silently.

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now