Chapter 9

78 4 0
                                    

ISA raw three star hotel ang pinagdalhan sa kaniya ng kasama. Pero halata namang isa iyong mumurahing inn. 'Package' na raw iyon sa babayaran nitong serbisyo, ma-close lang ang deal. Pinagmasdan ni Anette ang maliit na kuwarto. Kayang masakop ng paningin niya ang buong silid. Bukod sa kama, isang lumang side table, telepono at maliit na TV lang ang naroon. Pakiramdam ni Anette ay kinakapos siya ng hangin. Wala kasing bintana ang kwarto, at medyo kulang sa lamig ang buga ng aircon.

"Ako nga pala si Biboy" Pagpapakilala ng lalaki. Nauna na itong umupo sa kama habang nagtanggal ng sapatos.

Binuksan ni Anette ang telebisyon para lang abalahin ang sarili. Iisang channel lang ang nasagap ng antenna, balitang agrikultura pa. Nagkunwaring nanonood ang babae habang nakatayo sa harap ng tv.

"Miss!" Muling pagtawag ni Biboy. "Mas gusto mo ba talagang tawagin kitang Miss? Wala kang pangalan? Kahit alyas man lang?"

Lumingon si Anette sa lalaki, pero hindi nagsalita.

"Kung yan ang gusto mo, walang problema. Marunong naman akong gumalang ng privacy. Wala kang pangalan. Ok lang." Wika ni Biboy.

Nakatayo pa rin si Anette sa harapan ng telebisyon at hindi sigurado kung ano ang dapat gawin.

"Siguro mauna na lang akong mag-shower." Suhestiyon ni Biboy.

Hindi pa rin kumikibo ang babae, dala ng debate na nagaganap sa utak niya.

May chance ka pang magbago ng isip, Anette! Tumakbo ka na!

No, try to be wild for once in your life!

Ikakasal ka na bukas, ano bang ginagawa mo dito?!

Gantihan mo ang Lawrence Ng na iyon! He doesn't deserve a good wife.

Napalunok si Anette. Lumabas si Biboy sa banyo ng hubad ang itaas na bahagi ng katawan habang nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba. "Ano ba ang gusto mo, slow and gentle o fast and hard?"

"H-ha?" Hindi na kinaya ng babae ang panlalambot ng tuhod kaya napaupo na lang siya sa gilid ng kama.

"Gusto mo ng pampagana?" Nilabas ni Biboy ang cellphone at saka namili ng kanta. Nagsimulang magplay ang kilalang saxophone introduction ng kantang 'The One You Love' ni Glenn Frey. Kasabay noon ay ang dahan-dahang paggalaw ng bewang ng lalaki.

Magilas na inindak ni Biboy ang katawan niya. Bigay na bigay ang paggiling nito na may kasama pang facial expression. Nakaramdam ng hiya si Anette habang pinapanood ang lalaki kaya binaling niya ang atensyon sa nakabukas pa ring tv.

Tumigil sa pagsasayaw si Biboy. "Ayaw mo ba ng ginagawa ko, Miss?"

"H-ha? Ano kasi..." Hinawi ni Anette ang mahabang buhok at nilagay lahat sa kaliwang balikat. She's hoping her hair will hide her flaming red face.

"Sabayan mo kaya ako?" Mapang-akit na hinila ng binata si Anette.

She was suddenly short of breath nang hawakan siya ni Biboy sa bewang. Noon lang nadikit ang katawan niya sa isang lalaki. Para siyang lalagnatin dahil sa init na nanggagaling sa loob ng kanyang puson. She tried to gently push him away, but she even felt more electrified when she put her palm against his solid chest. Pero imbis na bawiin ang kamay ay parang na-magnet na ito sa katawan ni Biboy.

"M-may drinks ba dito?" Tanong ni Anette. Mukhang kulang pa ang ininom niya sa bar para pampalakas ng loob. Maya't maya kasi ay inaatake siya ng pagiging kimi.

"Good idea yan! Magpaakyat tayo..."

Nakahinga ng maluwag si Anette nang bitiwan siya ni Biboy. Kinailangan niyang umupo.

Hawak ng binata ang telepono nang tanungin nito si Anette. "San Mig Light? Tanduay Ice?"

"Scotch or whiskey" Sagot ni Anette. Hindi kayang tanggalin ng beer lang ang inhibitions niya sa katawan. "Hard ang gusto ko."

"Empi na lang."

Matapos umorder ay tinabihan ni Biboy si Anette sa gilid ng kama. "Hard talaga gusto mo? Wag ka nang maghanap sa iba. Meron ako non. Gusto mong makita?"

Napalunok si Anette. "L-let's just wait for the drinks, ok?"

Natawa si Biboy sa reaksyon ng babae.

"Pinagtatawanan mo ba ko?"

"Ang cute mo kasi." Pinindot ni Biboy ang ilong ng dalaga, sabay tawa. "Relax ka lang, ok?"

She's aware she's being stiff. Buti na lang marunong makiramdam si Biboy, at alam niya ang gagawin. Kaya natawa na lang din si Anette sa sarili niya.

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now