Chapter 40

67 4 0
                                    

Natapos ang ika-forty days ng pagkamatay ni Lawrence. Pero pakiramdam ni Anette ay kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi pa rin ito makapaniwala na iniwan siya ng asawa sa ganoong pagkakataon. Nahihirapan ang biyudang harapin ang katotohanan dahil bukod sa pagdadalamhati ay nilalamon siya ng kunsensya niya. Pakiramdam niya ay dala ni Lawrence sa kabilang buhay ang sakit na dinulot nila sa isa't isa dahil hindi man lang sila nakapagpatawaran.

Ramdam ni Anette ang pag-iisa. Walang daddy, walang Kiel, at walang Lawrence na sasalo sa mga hamon na ibabato sa kanya ng buhay. Kaya kahit hindi pa handa ay pinilit niya ang sarili na ibalik sa normal ang buhay niya. Kailangan niyang lumaban higit para kay LJ. Sinimulan niya iyon sa pagpasok ulit sa opisina.

Pinili ni Anette na lumipat sa office ni Lawrence. Gusto niyang manatili sa sistema niya ang alalaala ng namayapang asawa. That's her way of asking him for forgiveness. Siya mismo ang nag-ayos ng silid dahil kahit noong nabubuhay pa ay ayaw ng lalaki na may ibang gagalaw sa mesa niya.

Isa-isang nilagay ni Anette sa kahon ang mga personal na gamit ng asawa, habang tinatabi ang mga importanteng dokumento na kaniya namang pag-aaralan. Napangiti si Anette nang makita ang itim na organizer ni Lawrence. Kahit na mayroon siyang tablet at laptop ay gustong-gusto pa rin nitong magsulat sa notebook na iyon.

Hindi namalayan ni Anette ang pagpasok ni Myla. "Ma'am, nandito na po si Atty. Gonzalo." Abiso ng empleyado.

Ilang linggo na ring nanghihingi ng meeting ang abogado matapos ang pagkasawi ni Lawrence, pero ngayon lang ito naasikaso ni Anette.

"Have a seat, attorney. Pasensya na at ngayon lang kita naharap."

"I understand. I will try to be brief as possible, para hindi ko masayang ang oras mo. Tungkol ito sa mga naiwang ari-arian ni Lawrence."

Ang yaman ng asawa ang pinakahuling bagay na gusto niyang pag-usapan, kaya hindi naiwasan ni Anette ang mapa-buntong hininga.

Napangiti si Atty. Gonzalo. "Your husband knows you so well."

Kumunot ang noo ng biyuda.

"Sinabi na niya sa akin na ayaw na ayaw mong pag-uusapan ang pera at kayamanan. So please, bear with me. Mahalaga para sa pamilya Ng ang iniwan saiyo ni Lawrence. Galing ito sa pagsisikap ng kaniyang mga magulang. Pinaghirapan ng asawa mo na alagaan ito at lalong palaguin, kaya sana ganun din ang gawin mong pagpapahalaga sa kumpanya."

"Para kay Lawrence, susubukan ko, attorney."

"Ikaw, bilang kaniyang legal spouse at si LJ bilang kaniyang nag-iisang anak ang dalawang tagapagmana ni Lawrence. Narito ang lahat ng mga pag-aari niya. He has a total net worth of four billion pesos."

"Pero attorney... Si LJ..." Nagdalawang-isip si Anette kung ipagbibigay-alam ba niya sa kausap ang tunay na katauhan ng bata.

"Lawrence Ng Jr. is your husband's legitimate child. He is conceived within the bounds of your marriage"

"Pero..."

"The insemination is properly documented." Nilabas ni Atty. Gonzalo ang isang folder na naglalaman ng mga pirmadong kontrata. "Even Mr. Michael Jackson Sembrano signed an agreement of consent and confidentiality right before the insemination took place."

"Ano'ng ibig sabihin ng dokumentong ito?"

"This indicates that he is allowing the recipients to use his sperm cell, even though the identity of the receiving couple is unknown to him. Hindi niya alam na kayo ang makakatanggap ng donated sample niya. And he is legally bound to secrecy kung sakaling malaman niya kung sino ang recipient. Isang milyon ang natanggap niya mula kay Lawrence kapalit ng kaniyang sperm sample at mga kundisyong nakapaloob dito sa kasunduan."

Hinagod ni Anette ang noo niya, pilit iniintindi ang pinapaliwanag ng abogado. "Itong isang kontrata, kanino ito?"

"Even Doctor Celine Go signed a confidentiality agreement when she insimenated the sperm sample to you. I am aware that she breached the contract nang ipaalam niya kay Kiel ang totoo. Pero mabait si Lawrence. Dala na rin siguro ng takot na kumalat pa ang issue kapag naghabla siya. Pumayag siyang makipag-areglo sa dalawa."

"Paano niya nagawang itago lahat sa akin ito?"

"Pasensya na Anette. Hindi na sakop ng kakayahan ko na ipaliwanag sayo ang bagay na iyan. But I hope you find in your heart to give Lawrence the benefit of the doubt. I'm sure he has good reasons."

"Paano si LJ? Paano kung biglang may maghabol sa kaniya?"

"Like what I said, these documents are enough to prove that LJ is Lawrence's legitimate son. In the signed contract, Mr. Sembrano already waived his claim as the father of the child, conceived and born using his sperm. Wag ka nang mag-alala para sa kinabukasan ni LJ. Inayos mabuti ni Lawrence ang lahat."

"Tama ka, attorney. Come to think of it, Lawrence is a true father to LJ. In every sense of it." Pumatak ang luha ni Anette habang sinasambit ang mga katagang iyon.

101 Ways to Love AnetteOn viuen les histories. Descobreix ara