Chapter 14

75 4 0
                                    

HINDI maipaliwanag ni Anette ang nararamdaman niya habang naglalakad sa lobby ng SYNerGy Pharma. Happiness. Anticipation. Excitement. Halo-halong emosyon.

Nitong mga nakaraang araw ay laging sumasakit ang ulo nya, at para laging pagod na pagod. Kaninang umaga ay naunang bumangon sa kanya si Lawrence. Hindi na rin sya nakasabay sa umagahan dahil parang umiikot ang sikmura niya. Dalawang buwan na rin siyang hindi dinadatnan kaya naisipan ni Anette na mag-pregnancy test. And it was positive! Buntis siya.

Hinawakan niya ang sinapupunan. There's life in my tummy... And weird enough, I feel good about it.

First time syang pupunta sa Office of the CEO na excited. Kung may isang tao na pinakamatutuwa, siguradong si Lawrence iyon. Mahigit isang taon din ang hinintay ng lalaki para mabiyayaan ng anak. Nahirapan kasi siyang mabuntis. Mabuti na lang at may kilalang magaling na OB Gyne ang asawa, kaya naman ilang buwan pa lang silang nagpakonsulta rito ay nabuntis na siya.

"Hi Myla. Nandiyan na ba si Lawrence?" Tanong ni Anette sa EA.

"Yes Ma'am. Pero may ka-meeting sya sa loob."

"Hmm... sino? Importante ba?" Tanong ni Anette. Pero sa isip niya, wala nang mas mahalaga pa sa balitang dala niya.

"Nasa loob po sina Michael Jackson and Madonna..."

"I've been wondering kung sino ba yang duo na yan. International performers ba?" Natatawang tanong nito.

"Mga benificiaries po ni Sir Lawrence sa foundation."

"I think my husband won't mind kung sisilip lang ako sandali. I have to tell him something very important." Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Anette. Pakiramdam niya, nakaka-good vibes ang pagbubuntis nya.

"Itatawag ko lang po kay Sir." Dinampot ni Myla ang teleponong extension sa loob ng opisina ni Lawrence.

Pinigilan siya ni Anette. "Wag na. It's a surprise."

"Mukhang good news?"

Hindi niya sinagot ang EA. Gusto niyang si Lawrence ang unang makaalam na magiging daddy na siya.

"Ok po, go ahead. Pumasok na kayo sa loob." Pagbibigay permiso ni Myla.

Excited na tumuloy si Anette sa opisina ni Lawrence. Pinapraktis pa nito kung paano sasabihin sa asawa ang magandang balita.

"Anette!" Wika ni Lawrence. "I didn't know you are coming."

Pero bago pa man niya masurpresa ang asawa ay siya na ang nagulat sa nakita. Para siyang tinamaan ng kidlat at hindi na nakakibo.

"Hey, are you okay? Namumutla ka. Is everything fine?" Tumayo si Lawrence sa desk niya at pinuntahan agad ang asawa.

"I'm okay. I have news for you. Pero mukhang nakaistorbo ako. Babalik na lang ako mamaya..."

"Just stay. Patapos na rin kami. Meet Madonna Sembrano and Michael Jackson Sembrano. Donna is a beneficiary of SYNerGy Foundation. Hindi na siya nakakarinig dahil sa cerebral palsy."

Kinawayan ni Anette si Donna. Iyon na ang naisip niyang paraan para batiin ang bisita na walang pandinig.

"And that's her younger brother, Kiel. Siya ang kasa-kasama ni Donna kapag bumibisita dito sa akin."

"Hello... K-kiel" Anette felt awkward when she greeted the guy and called him by his name. Dahil kilalang-kilala niya ang kaharap sa pangalang Biboy.

"This is Anette, my wife." Patuloy ni Lawrence.

Kiel offered a handshake. "Magandang umaga po, Ma'am Anette"

She had no choice kundi tanggapin ang kamay ni Kiel. Ramdam niyang pareho silang alangan sa sitwasyon. Gaya niya, sinlamig ng ilong ng pusa ang kamay ng lalaki.

"Why did you drop by? It must be something very important" Usisa ni Lawrence na hindi namamalayan ang tension sa pagitan ng dalawa.

Napatingin si Anette sa mga bisita na noon ay pinapanood silang mag-asawa. She felt really uncomfortable, lalo na kay Kiel. Of all situations naman kasi, bakit ngayon pa tayo nagkita ulit, Biboy?!

Anette cleared her throat. She even tried to recall her practiced lines. Pero nawala lahat dahil sa pagkataranta. "Nag-PT ako this morning. I think I'm pregnant"

"Is it true? I'm going to be a dad!" Mahigpit na niyakap ni Lawrence ang asawa.

Nang maalala ni Lawrence na may kasama silang ibang tao sa loob ng opisina, muli siyang sumeryoso. "Let's cancel all our appointments today and see our doctor."

"P-pero Lawrence, marami pa – "

"Magli-leave ka ngayon." Utos nito habang duma-dial sa telepono. "Hello, Myla? Cancell all my meetings today. Pati kay Anette. Then tell Doc Eric to take charge for her department. Call Doc Celine. Tell her Anette got a positive result this morning."

Habang nagbibilin si Lawrence sa EA niya ay hindi naiwasan ni Anette na mapasulyap kay Biboy. Nakatitig ito sa kaniya. It was she who first looked away.

"Kiel" Tawag ni Lawrence sa binata. "Si Myla na ang bahalang umasikaso sainyo. We have to go."

"S-sige po. Congratulations, Sir Lawrence, Ma'am Anette"

Hindi na tinignan ng babae si Kiel. Lumabas ng opisina ang mag-asawa, Lawrence holding Anette's hand and leading the way.

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now