Chapter 24

51 3 0
                                    

"My goodness naman ang traffic!" Halata sa boses ni Anette ang matinding pag-aalala. Limang minuto na lang ay mahuhuli na sya sa appointment niya. Naghihintay na sa Richmonde Hotel ang mga ka-meeting niyang VIP na nanggaling pa sa London.

Mahigit trenta minutos nang naantala sa kalye ng St. Francis sa Ortigas ang sasakyan ng babae pero ilang metro lang ang inusad nito.

"Maglalakad na lang ako" Anette said impatiently.

"Boss, umuulan. Baka magkasakit ka na naman" Pigil ni Kiel. "Tawagan mo na lang kaya yung kausap mo. Tutal, abot tanaw na yung hotel mula dito."

"I can't. That's so unprofessional." Kinuha ng amo ang laptop nito at ilang mga dokumento, akmang lalabas ng sasakyan.

"Ihahatid na kita dun. Madami kang dala, tapos umuulan pa."

"T-teka, pano yung kotse?"

"Ano ba talaga mas importante sayo? Akala ko kanina ibubuwis mo ang buhay mo para lang sa meeting na yun, tapos ngayon naman iniintindi mo yung kotse?" Reklamo ng driver.

Sumilip ang babae sa labas ng sasakyan. Parang parking lot ang buong kalsada. Baka nga mas mauna pa siyang makarating ng Richmonde bago pa gumalaw ang traffic.

"Halika na, bilisan na natin" Utos ni Anette.

Humugot agad ng payong si Kiel saka bumaba ng kotse. Binuksan ng binata ang pintuan ng amo at tinulungan itong bitbitin ang mga dalahin.

Pagkababa ng sasakyan ay napapigil ng hininga si Anette. Iyon na nga ang kinakatakot niya, ang maramdaman ang init ng binata dahil sa pagkakalapit ng mga katawan nila.

"Boss, wag kang lumayo sakin." Bulong ni Kiel habang naglalakad. Pati ang hangin galing sa paghinga ng lalaki ay may kuryenteng dala sa tenga ni Anette.

"You're too close, Kiel" Sita ng amo.

Nagpigil ng tawa ang binata, dahilan para may kaunting hangin na lumabas sa ilong nito. Napapikit ang babae. She is electrified with his every breath.

"Mas naging close pa nga tayo dati kesa dito." Panunukso ng lalaki. "Pero hindi ko binabalik ang past, ha. Nabanggit ko lang." Biglang bawi nito.

"Haha. Very funny." Irap ni Anette.

Kinabig ng driver ang amo palapit sa kanya. "Sabi nang wag kang lumayo. Mababasa ka."

Lalong tumindi ang boltaheng dumaloy sa katawan ni Anette dahil sa pagkakaakbay ni Kiel. Sa paghinga ng malalim ng babae ay lalo nitong naamoy ang katabi. He still smells the same. Masculine but mild. Hindi ito nagbago ng pabango mula noon.

Nainis si Anette sa nararamdaman, kaya naghanap siya ng masisisi. "Bakit kasi ang liit ng payong na dala mo?"

"Hindi pa binalik ni Ms. Pia yung payong ng sasakyan. Hiniram niya nung sinabay natin siya pauwi noong nakaraang gabi."

"Kung ikaw na lang kaya lumayo sa akin? Tutal, wala ka namang meeting. Ok lang na mabasa ka." She knows she sounded inconsiderate. Kung ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. Pero siya mismo hindi maintindihan kung bakit hindi niya mapakalma ang sarili.

"Payong ko kaya 'to... Sobra ka na boss ah. Hindi ka na nga marunong magpasalamat, gusto mo pa kong magkasakit."

"Whatever! I just need to go to my meeting!"

"Kalma lang. Doon na nga po tayo papunta di ba?" Ngingisi-ngising sabi ni Kiel na lalo pang hinigpitan ang pagkakaakbay kay Anette.

"Tanggalin mo kaya yang kamay mo sa balikat ko, pwede?"

"Sa isang kundisyon"

"May kundisyon talaga?" Halata sa boses ng babae na malapit na itong mapikon. "O sya, ano yun?"

"Dumikit ka lang sakin... Para hindi ka mabasa."

Sandaling natigilan si Anette at napatingin kay Kiel.

"Fine." Pagsang-ayon nito, sabay tingin sa kabilang direksyon para itago ang di mapigilang ngiti.

101 Ways to Love Anetteजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें