Kumunot ang noo ni Anette.

"Ang labo di ba? Hindi namin alam kung nasaan, basta sumama sa lalaki niya. Pagkatapos niya kaming bigyan ng nakakahiyang pangalan - Michael Jackson at Madonna -iiwan kami? Unfair yun. Wala tuloy kaming maturo na salarin" Dinaan ni Kiel sa biro ang naging kapalaran sa ina.

Anette was amazed at how Kiel handled his difficult life situation. "Bakit parang wala lang sayo?"

"Kasi kelangan. Kung hindi, mamamatay kami ni Ate Donna ng dilat. Bago lumayas si nanay, nakakapag-aral pa ako habang nagtatrabaho ng part time. Bell boy ako sa hotel. Yung pinasukan natin..." Ngumiti ng may kahulugan si Kiel.

Dinedma agad ni Anette ang pagpapalipad-hangin ng binata. "Bakit, hindi ba sapat yung tulong ng foundation sainyo?"

"Panggamot lang naman ni ate ang sinasagot ng foundation. Hindi naman kasama yung pang araw-araw na pamumuhay namin gaya ng tubig, kuryente, bahay, pagkain. Isa pa, normal naman ako. Malakas pa. Kaya bakit pa ko hihingi ng tulong sa gobyerno o sa kahit anong foundation dyan."

"Kaya ka nag-call boy? Bakit hindi na lang ibang trabaho?"

"Hindi lang naman yun ang raket ko. Pero kasi easy money dun. Alam mo ba, para ka talagang hulog ng langit nung pinick-up mo ko nun! Bayad lahat ng utang namin. Bonus pa na ang ganda at sexy ng customer ko, parang anghel!" Sabay kindat ng binata.

"Mambobola ka talaga!" Hinampas ni Anette ang balikat ni Kiel. "Buti hindi mo kinuwento kay Lawrence na nagkakilala na tayo noon?"

"Uy, mabait ako kahit paano. Nakita ko namang maayos ang lagay mo sa asawa mo. Bakit ko naman kayo guguluhin?" Halata ang biglang pagbaba ng energy sa boses ni Kiel kahit na nakangiti ito.

"In fairness, mabait ka nga sa aspetong yan. Pero playboy ka naman. Ang dami mong chicks!" Biro ni Anette, na may halong panunumbat.

"Yun lang." Tumawa ang binata. "Wala naman yun... Bolahan lang."

"Wow ha. Bakit, choosy ka?"

Seryosong umiling ang lalaki. "Kasi wala akong karapatan."

Tahimik lang na nakikinig si Anette, naghihintay sa mga susunod na sasabihin ng kausap.

Huminga ng malalim si Kiel bago nagsalita uli. "Yung mga pangarap ko kasi sa buhay, mailap lahat sa akin. Pangarap kong makatapos. Konti na lang. Isang sem na lang sana, hindi pa ko nakaabot. Tapos, pangarap ko rin magtrabaho sa opisina. Yung corporate ba. Pero ayun, sa pag-eescort service ako napunta. Swerte na rin akong may desenteng trabaho ngayon. At least nakakapagsuot ako ng polo-barong. Parang pang-opisina na rin" Natawa si Kiel sa sariling joke.

"So? Ano kinalaman nun sa lovelife mo?"

"Yung pangarap kong makasal sa babaeng mahal ko. Suntok sa buwan yun." Tinitigan ni Kiel si Anette sa mata.

Anette held that gaze and replied "Lahat ng pangarap, pwede pang tuparin hanggang hindi ka pa sumusuko."

Sa pagkakataong iyon, si Kiel ang umiwas ng tingin. "May punto ka dun boss. Pero hindi yan applicable sa lovelife ko."

"Wag mong maliitin ang sarili mo. Actually, you know what? Ideal man ka. In a weird way nga lang."

"Weird talaga? Grabe ka talaga sa kin."

Nagkatawanan ang dalawa.

"Totoo." Pangungumbinsi ni Anette. "Mabait ka. Mapagmahal sa pamilya. Masipag. Lumalaban. Matatag ang loob. Maparaan."

"Yun lang?"

"Ang dami na nun ah!"

"Kulang pa rin."

Napangiti si Anette. "At guwapo ka."

Hinaplos ng babae ang pisngi ni Kiel. "Makinis ang mukha."

Tinitigan niya ang binata. "Maganda ang mata..."

Minasdan ni Yana ang mga labi ni Kiel na puno ng pananabik. "You have sweet lips, Kiel... You gave me my first kiss... And it's the best I've ever had."

Anette looked at Kiel's eyes, wanting him to feel what's inside her. She wants him to kiss her again, like what he did two years ago. Kusang naglapit ang mukha ng dalawa hanggang sa halos kalahating pulgada na lang ang layo sa isa't isa. Pinikit ng babae ang mga mata niya, hinihintay ang paglapat ng matamis na labi ng kaharap.

"Boss..." Bulong ni Kiel. Ramdam ni Anette ang mainit na hininga nito sa tapat ng bibig niya "Gustong-gusto kitang halikan. Kaya kong gawin yun kahit bawal... Hindi ako makukunsensya... Pero ayaw kitang itulad sa akin... Dahil masyado kang mahalaga para dungisan ko."

Tumayo ang binata sa kinauupan. "Excuse me, boss. Magsi-CR lang ako."

Nanatiling nakapikit si Anette. Ayaw niyang idilat ang mga mata. Gusto niyang itago sa dilim ang nararamdamang sakit dahil sa sinabi ni Kiel. Even with eyes closed, tears came down running. Wala na siyang ibang maisip na gawin kundi itungo ang ulo at punasan ang pisngi.

Tahimik ang biyahe habang pauwi sila Kiel at Anette, kaya nang mag-ring ang telepono ng babae ay ganun na lang ang pagkagulat nito.

"Lawrence..." Sagot nito sa asawa. "Uhm... I just had dinner and a few drinks sa Tagaytay with some colleagues I met in the convention.... No, you probably don't know them. Ngayon ko nga lang din sila nakilala. I need to, for future network .... Pauwi na ako. Yes. Ok. Bye."

Bumuntong hininga si Anette. Nagsinungaling man sa asawa, mas mabigat pa rin ang pakiramdam niya dahil sa rejection na natanggap mula kay Kiel. At hindi niya alam if she can ever get over it.

101 Ways to Love AnetteWhere stories live. Discover now