5.♂♀

558 16 8
                                    

Chapter 5

♂__ELLA’S POV__♀

“Bakla! Asan ka na ba kasi? Andito na ako kanina pa!” sigaw ko sa kausap kong si Francesca beki sa cellphone. Sabi niya kasi, ipagshoshopping niya ako. At naging kapanipaniwala naman ‘yung ginawa namin nung isang linggo kaya ipagbibili niya pa ako ng maraming maraming bags.

O diba? Ang swerte ko talaga! Baka naman sabihin niyong ginagamit ko lang si beki? Pero hindi noh, nagkakamali kayo. Siya na nga kasi may sabi diba—na ipag shohsopping niya ako kapalit ng pagpapanggap bilang girlfriend niya. At tsaka, love ko naman talaga ang bestfriend kong ‘yon. Kaya gagawin ko ang ipinagagawa niya sa akin!

“O sge! Basta dali’an mo na dyan!” agad ko namang binaba ang cellphone. Matatagalan pa daw kasi siya kasi may emergency meeting pa daw ang kumpanya nila.

Kung hindi niyo na itatanong, bukod pa sa Miss Gay 2013 ‘tong si Francesca, ay siya din ang kasalukuyang OIC ng kumpanya nila. Hanep diba? Ano na lang kaya magiging reaksyon ng lahat ng nagtatrabaho sa kumpanya nila pag nalamang isa siyang beki. Hahaha.

Nagliwaliw muna ako dito sa mall.  Tumitingin tingin na ako ng mga bibilhin ko. Sayang naman ang oras kung maghihintay lang ako sa kanya.

Nasa isang bench ako ngayon nakaupo. Actually, nakatunganga lang ako. Medyo nagugutom na nga ako pero kailangan ko pa siyang hintayin. Nakakainis lang, ang tagal talaga ng bakla e. Kung hindi niya ako ipagshoshopping, kanina pa ako umuwi ng bahay. Tsss. Konting tiis na lang Ella, dadating na din ‘yon.

“Ellaizaaaaaaaaaaaaaa!”

Nagulat ako nang narinig kong may sumisigaw ng pangalan ko. Alam kong boses iyon ni bakla. Lumingon ako agad sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Siyempre, ‘yung takbong pang bakla. Nakakatawa nga siya. Para siyang palaka na kabayo na kangaroo kung tumakbo. Hahaha.

Nasa harapan ko na nga siya ngayon at hinihingal pa siya. “Oy Francesca! Isa at kalahating oras mo akong pinaghintay ah!” pagtataray kong sabi sabay taas ng kilay ko. Hindi naman talaga ako galit, nagpapanggap lang. Hahaha.

“Sensya ka na teh! Medyo in demand lang ‘tong baktitang ituuuu!” aniya Francesca sabay  hawak ng magkabila kong kamay.

Naglalakad na kami papunta sa second floor ng mall. “Ganon? Ano bang pinagkakaabalahan mo?” tanong ko.

“Tungkol lang naman sa negosyo ng dady ketch! You know naman, ako lang ang nag iisang beking daughter.” sagot niya with hand gestures. Hahaha. Muntanga.

“Daughter mo mukha mo!  Tara na nga!” hinila ko na siya papasok sa isang boutique.

Siyempre, dito ako pumunta sa mamahaling store. Humanda siya sa akin. Puro branded na damit ang pipiliin ko ngayon! At alam kong di niya ako matatanggihan kasi napakamalaking bagay ang ginawa ko para sa kanya. Hahaha!

Simple lang ang outfit ni beki ngayon. Naka plain tshirt na fit tapos pants then may headband na suot suot. Nagmana talaga ‘to sa akin pagdating sa fashion taste, naka headband din kasi ako ngayon. Ito na nga ata ang signature style namin. Dapat kasi, kung gagala kami ni beki, magsusuot kami ng headband. ‘Yung headbang kasi ang simbolo ng panghabang buhay na pagkakaibigan namin.

“O, pili ka. Asan mas maganda dito bakla?” tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko ang dalawang Zara na shirt. Nalilito kasi ako. Puro naman maganda lahat ng damit dito.

“Hmm. Teka, tignan ko muna ang presyo girl.”  agad niyang kinuha dalawang hawak hawak ko at tinignan ang price tag.

Inabot niya ang isa sa akin sabay sabing “Eto na lang. Makakasave ako ng P300 pesos kesa sa iyang isa.” aniya pa.

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Where stories live. Discover now