3.♂♀

672 15 8
                                    

Chapter 3

 

 

♂__ELLA’S POV__♀

Linggo na nga. At sabi nga ni Francesca, ngayon na ang party. Syempre, naghanda na ako. Inayusan ko ang sarili ko. Kasama ko rin si Mimay dito sa parlor, assistant ko siya.

‘Yung susuotin daw e formal attire. Kaya nga naman ibinili ako ni Francesca ng masusuot. Syempre, magaling din ‘yung pumili ng damit. Para sa’n pa’t naging bestfriend niya ako. Nagmana sa akin ‘yon pagdating sa fashion taste.

Sabi niya, susunduin niya daw ako dito sa parlor bago mag 7PM. Kaya dito na rin muna ako maghihintay.

Ilang sandali lang ay may kumatok na sa pintuan.

“Mims, paki tignan nga kung sino ‘yan, baka si beki na.” sabi ko habang nakatingin sa salamin at inaayos ang earrings ko. Kakatapos ko lang talaga mag make up sa sarili.

Narinig ko naman na bumukas na ang pintuan. Baka nga si Francesca na ‘to.

“Waaaaaaaa! Waaaaaaaaa!! Ate Ellaiza! Uwaaaaaa! May gwapo! Ahhhhhhhh!!”  nagulat na lang ako bigla nang nagsisigawan na si Mimay. Teka? Anyare ba sa babaeng ‘yon? Ang lakas ng tili, parang nakakita ng artista.

“Ano? Sino ba ‘yan? At bakit ba sumisigaw ka dyan Mims!” hinagod hagod ko naman ang buhok ko ngayon. Nacucurious na ako kung sino ‘tong nilalang na nakita niya.

Ilang sandali lang ay pumasok na siya dito sa private room ko. “Atiiii! Halika! Kailangan mo ‘tong makita!” hinatak niya ako papalabas ng private room. Wala na akong nagawa kundi sundan na lang siya. Tutal, tapos na rin ako.

“Teka, baka masira tong heels ko.” sabi ko habang nakatingin sa sahig. Inaayos ko ‘yung paglalakad ko. Hawaka hawak pa rin ni Mimay ang kamay ko. Tinitignan ko lang ang sandals na suot ko ngayon.

Nagsalita ulit ako. “Sino ba kasi ya---------------------“

Anak ng bakla.

Napalunok ako sa nakita ko. Naputol ko na lang ‘yung dapat na sasabihin ko kanina. E kasi, ‘yung kaharap ko ngayon, isang gwapo. Nalalaglag ata ang panga ko.

“Oh? Iha, anong tinutulala tulala mo dyan?” sabi ng gwapo-este ng bakla na nagpapanggap lang na gwapo. Si Francesca, oo siya nga. Siya ang kaharap ko ngayon. Sheyt. ANG GWAPO. Ang gwapo ni Francesa. Ang gwapo ng bestfriend ko.

 

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Ilang segundo na pero sa kanya parin ako nakatingin. Hindi ko maitatanggi, ANG GWAPO TALAGA. Di ko pinagsisihan na hinahalikan ko siya. Yuck. Malandi rin? Hahaha. Pero, WOW. ANG GWAPO GWAPO GWAPO NG BAKLA.

“Ha? Hoooo---hoooy! Bakla! Miss gay 2013?! Ikaw na ba ‘yan!?” sabi ko sabay hampas sa kanya at head to toe na tingin. Medyo matagal din pala akong nakatitig sa kanya.

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Where stories live. Discover now