10.♂♀

464 14 2
                                    

Chapter 10

♂___ELLA’S POV___♀

“Ate Ellaiza, tinawagan ako ni Francesca. Tinatanong kung kumusta ka na daw. Di po ba kayo nag uusap Ate?” hindi ko na pinapansin ang pagsasalita ni Mimay. Kanina pa talaga siya dito sa bahay ko, inaalagaan daw ako. Ako na nga may sakit, nakukuha ko pang mang isnob sa kanya. E kasi naman, ‘yung plastic na bakla lang ang binabanggit niya. Ang sakit sa tenga.

“Ate Ella!” aniya pa.

Diretso pa rin ang tingin ko ngayon. Hindi ko pa makalimutan ‘yung nangyari tatlong araw  na ang nagdaan. At mula nun, hindi na nga kami nag usap ng baklang ‘yon. Tandang tanda ko pa ang sinabi ko sa kanya na kausapin niya lang ako pag totoo na siya sa sarili niya. Ewan ko nga ba, bakit naging bestfriend ko talaga ‘yung sakit sa ulong baklang ‘yon. Pero, may hindi pa ako matanggap sa sarili ko—‘yung naramdaman ko nang gabing iyon. Alam kong hindi ‘yon dapat at alam ko namang lilipas din ‘yon kaya mas minabuti kong hindi na isipin pa ‘yon.

“Ate Ella, uy okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala dyan.” niyuyugyog na ako ni Mimay dito sa higaan ko kaya naman napabalik na ako sa isipan ko. “Ah—oo. O-okay lang. May sinasabi ka?” sabi ko sabay tingin sa kanya na nakatayo na sa gilid ng kama ko.

“Nag uusap ba kayo ni Francesca? Bakit ba tawag ng tawag siya sa’kin?” alalang tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa ibang direksyon sa kwarto ko, “Hindi na muna kami nag-uusap Mimay.”

Naramdaman kong umupo na si Mimay sa paanan ng kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita muli, “Bakit po? May problema po ba kayo Ate?”

Napabuntunghininga muna ako bago pa nagsalita. ‘Yon na nga e, meron kaming problema pero hindi ko alam kung papaano sosolusyunan. “Siya ang problema. Hindi niya tanggap ang sarili niya. Mas tanggap ko pa ata ang kabaklaan niya.” sagot ko sabay tingin kay Mimay.

“Ay, sayang naman. Pero ate, baka naman maging lalake na si Francesca?”napapkit ako pagkasabi na pagkasabi nun ni Mimay at unti unti na lang nagbalik sa isipan ko ang mga nangyari sa gabing ‘yon…

(Flashback)

 “Takot ako. Natatakot akong baka mawala  ang mga mahahalagang bagay sa akin. Natatakot akong baka hindi ako tanggapin..” “Baka di mo ako tanggapin Ella.”  hindi ako sigurado sa huling katagang narinig ko pero totoo kaya ‘yon? Hindi ko maalis sa isipan kong magduda sa mga sinabi ni Francis.

 “Bakit ba ginagawa mo ‘to? Hindi kita maintindihan e.”

 “Kasi, mahal…”

“Ano? Mahal?”

“Mahal na mahal..” nang marinig ko ‘yon, alam ko sa sarili ko ang sasabihin niya. Nararamdaman ko naman na sasabihin niyang mahal niya ako pero parang hindi ako handa na marinig ‘yon kaya inunahan ko na siya sa sinabi niya,

“Mahal mo sila? Natatakot kang di ka nila matanggap kasi bakla ka?! Ganon?” at ‘yung yakap ko sa kanya, inalis ko na nga. ‘Yung yakap na ‘yon, hindi ko rin maipaliwanag.

“Ate Ella, tuliro ka na naman! Ang lalim na naman ng iniisip mo!” naputol ang pag iisip ko sa eksenang ‘yon nang magsalita muli si Mimay.

“Ha? E bakit, ano bang sinasabi mo?”

“Sabi ko, baka maging lalake si Francesca.. malay mo diba?”

“Maging lalake? E, mahal niya nga ang isang lalake. Kailan pa ba siya magiging lalake? Bakla na ‘yon panghabang buhay.” kahit kailan hinding hindi na ‘yon magiging lalake noh. Kahit pa naramdaman ko nung gabing ‘yon na parang totoo siyang lalake nung mangyari ‘yon.

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon