6.♂♀

558 13 5
                                    

Chapter 6

♂__FRANCESCA’S POV__♀

“Francesca! Lika, paki ayos muna ‘tong damit niya please?” aniya Ella na kasalukuyang inaayusan si Sharlene—ang isa sa mga contestant na sasali sa pageant ngayon.

Agad naman akong lumapit sa kanila, “O sge, ako bahala dyan teh!” kinuha ko na ‘yung damit na kailangang ayusin. May konting sira kasi, kailangan lang ng konting ribbon sa gilid.

Patuloy pa rin si Ella sa pag mamake up kay Sharlene. “Salamat beki ha.” sabi niya.

“Walang anuman girl!” sagot ko habang patuloy sa ginagawa kong pag lalagay ng ribbon.

Nasa backstage kami ngayon at sobrang sikip, ang daming tao. Kami lang nga dalawa ni Ella ang magkasama dito. Matagal na niya daw ‘tong kaibigan si Sharlene simula pa college. Di ko naman napansin. Parang ngayon ko nga lang siya nakita.

“Contestants! Be ready! 10 minutes na lang! Mag sisimula na.” may biglang nagsabi niyan dito. Sabay kaming tumingin at nakita namin ang organizer ng event na nakatayo na sa gilid. Halatang kabadong kabado.

*Kring!* *Kring!*

Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko ngunit biglang tumunog ang cellphone ko.  Nabitawan ng isang kamay ko ang damit at tinignan ang cellphone ko.  Pucha!  Si Jairus  na naman ang tumatawag! Alam kong hinahanap na ako nito sa racing namin.

Sinagot ko na agad. “Pre? Oh ano na? Asan ka na?! 30 minutes na lang! Magsisimula na!” aniya Jairus sa kabilang linya.

“Oo na! Oo na! Pasensya na kasi!” lumayo ako ng ilang metro kina Ella pero dala dala ko pa rin ‘yung damit na inaayos ko. Hinihinaan ko lang ang boses ko dito. Baka naman kasi marinig niya pa ako—na nakaboses lalake. Alangan namang mag bakla baklaan ako dito.

“Asan ka ba ha?” tanong ni Jairus ulit.

“Basta basta, nasa malapit lang ako. Hahabol ako mamaya dyan!”\

“Francesca beki! Tapos na ba ‘yan?!” sigaw ni Ella dun sa kabila. Anak ng tinapa naman oh! Kung kelan ako kailangan ni Ella, ngayon pa umepal ang racing na ‘to!

Tinakpan ko agad ang cellphone para hindi marinig ni Jairus ang sasabihin ko. “Yes girl! Malapit na! Keri na tooooh!” malumanay kong sabi kay Ella. Leche. Ang hirap na talaga nitong pinagagawa ko.

“Hoy! Francis! Ano ba kasing pinagagagwa mo sa buhay mo? Asan ka ba kasi?” Jairus.

“Ah, eh. Basta mahabang istorya!” sabi ko at nag boses lalake na naman.

Hay. Ang hirap talaga ng ginagawa kong ‘to e. Mismo si Jairus at Nash kasi, di alam tong kabaliwan ko. Tanging ako lang ang nakakakaalam nito. At ‘yung family ko, lalake naman talaga ang inaasta ko pag kasama ko sila. Nung hinanapan nga ako ng girlfriend, wala akong maiharap sa kanila. Kasi, wala akong girlfriend.

Si Ella lang naman kasi ang gusto kong maging girlfriend.

“O sya sya, basta! Bilisan mo dyan!” sabi ni Jairus sa telepono.

“Sge na, bye!”

Natapos ko ring ayusin ang mga damit at agad agad kong ibinigay kay Ella. Naman oh!? Ang hirap ng suot ko ngayon. Naka wig pa ako at naka mascara with eyeliner tapos naka pambabae na damit! Magbibihis pa ako nito na pang racing namin e! Amputeekk!

Habang nagsisimula na ang pageant, nasa backstage lang kaming dalawa ni Ella. Hinahanda na ang susunod na susuotin. Nilapitan ko siya,“Ella! Ella! Can I ask a favor? Pwede umuwi na ako? Tutal, tapos na naman ang ginagawa ko diba?”  sabi ko sabay puppy eyes at palugay lugay ng buhok ko.

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon